ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pagpatay sa limang taong gulang na bata, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


“BATA SA SAKO"
Sa pagganap nina Lovely Rivero at Allan Paule

Ang limang taong gulang lamang na si En-En, natagpuang nakasilid sa sako. Ano ang tunay na sinapit ng paslit?

Magiliw at masayahin. Ganito ilarawan ng kanyang pamilya ang bunsong si En- En, limang taong gulang. Likas daw na mahilig sa musika at pagsasayaw ang bata. Kaya ayon sa kanyang ina, si En-En ang nagbibigay saya sa pamilya. Pero biglang inagaw ang buhay ng kanilang munting anghel.

Enero 23, 2018, natagpuang nakasako at nakabaon sa lupa ang wala ng buhay na si Noellah Del Carmen o En-En, may halos limampung metro lamang ang layo mula sa kanilang tirahansa Barangay Malingin sa Lungsod ng Bago, Negros Occidental.

Ano nga ba ang tunay na sinapit ng limang taong gulang na bata at humantong sa karumal-dumal na kamatayan?