ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Young male prostitution, lotto scam exposed


Episode on October 20, 2007 Saturday, 9:30 p.m. Mga batang lalaki, nagbibigay “serbisyo" sa may edad na kliyente – ito ang ibubulgar ng Imbestigador na negosyo sa dalawang bahay sa Tondo, Maynila. Nagmistulang kasa ang dalawang bahay na inuupahan ng magka-kumpetensiyang “negosyante". Gabi-gabi dinadagsa ng mga bakla at binatilyo ang makitid na eskinita. Tahimik sa labas, pero sa loob pala ng bahay nagaganap ang pambihirang libangan ng matatanda kung saan kinakasangkapan ang mga bata. Walang kawala sa kamera ng Imbestigador ang makapanindig balahibong eksena ng kahalayan na ginagawa ng mga kliyente sa mga menor de edad na lalaki. Kasama ang mga pulis at social workers ng DSWD, pinangunahan ng Sumbungan ng Bayan ang pagligtas sa mga batang magdaleno. Sa haba naman ng pila ng mga tumataya sa Lotto, marami ang na-engganyo na pasukin ang pagiging Lotto agent. Isa na rito si Marilou. Nangungulila siya sa asawang nasa ibang bansa kaya naisip niyang pagkaabalahan ang pagnenegosyo para pagdating ng araw ay ‘di na kailangang umalis ng mister. Isang Erick na nagpakilalang empleyado ng PCSO ang nag-alok na tulungan siyang maging Lotto agent. Ang akala ni Marilou naka-jackpot na siya dahil tutulungan siya ni Erick. Pero ang pangakong lottohan, nauwi sa lokohan. Tatlumpung libo na ang naibigay ni Marilou kay Erick pero hindi naman umusad ang kanyang application. Sa tulong ng Imbestigador kikilalanin at papapanagutin ni Marilou ang taong nagpakilalang empleyado ng PCSO. Huwag palampasin ang mga kuwentong ito ni Mike Enriquez sa Imbestigador ngayong Sabado, 9:30 pm pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA7. “Lotto-Loko" Jackpot siya dahil may nakilala siyang maglalakad ng kanyang lotto outlet application. Ito ang akala ni Marilou. Pero lugi pala siya sa itinayang talumpung libong piso para sa application fee dahil di naman pala ito napunta sa PCSO. Sino nga ba si Erick na tumanggap ng kanyang pera? Empleyado nga kaya siya ng ahensiyang nagpapatakbo ng Lotto? Mga lalaking Magdaleno Mga menor de edad na lalaki ang nagbibigay “serbisyo" sa mga kliyente sa loob ng dalawang bahay na nagmistulang kasa sa Tondo. Kuhang-kuha sa kamera ng Imbestigador habang “nagtatrabaho" ang mga bata. Umaksiyon agad ang pulisya, DSWD at Imbestigador. Mga binata vs. pulis Tatlong binata ang nangangalakal ng basura tuwing gabi sa Navotas. Pero pinagbintangan silang magnanakaw at sa halip na sampahan ng kaso, diumano’y binugbog sila ng isang pulis. Abangan ang batuhan ng akusasyon sa pagitan ng inaakusahang alagad ng batas at mga nagrereklamong binata sa Imbestigador Trabaho o panloloko? Sa dami ng walang trabaho, marami ang kumakagat sa iba’t ibang pangako. Tulad na lang ng isinumbong sa Imbestigador na isang kumpanya na mabilis daw tumanggap ng mga aplikante. Pero ang siste, pagbebentahin o pagbabayarin ka pala ng mga mamahaling produkto bago ka matanggap. Isa nga ba itong panloloko o istilo lang ng isang negosyo?