Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Baleno, Masbate massacre,' sisiyasatin sa 'Imbestigador'


IMBESTIGADOR: BALENO, MASBATE MASAKER

Sa pagganap nina Sherilyn Reyes, Krystal Reyes, 

Joshua Dionisio at Dexter Doria

October 30, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

Nagulantang ang tahimik na bayan ng Baleno, Masbate. Sa paggising ng mga residente noong ika-27 ng Agosto, bumungad sa kanila ang isang masamang balita. Ang isang buong angkan, naging biktima ng malagim na massacre. 

Sa isang iglap, nasawi ang limang miyembro ng pamilya Adigue kabilang na ang ginang na si Jennifer, ang dalawang menor de edad niyang mga anak at maging ang mga magulang ni Jennifer na sina Jesus at Adelina. Tadtad sila ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Kabilang din sa mga walang habas na pinagsasaksak ang bunsong anak ni Jennifer na si Ella. Sa kabutihang palad, mala-himalang nakaligtas ang dalagita. Ano ang mga isisiwalat ni Ella tungkol sa malagim na krimen? Sino ang nasa likod ng nangyaring massacre?

Tutukan ang mga detalye ng kasong ito sa pagganap nina Sherilyn Reyes, Krystal Reyes, Joshua Dionisio at Dexter Doria sa Imbestigador ngayong October 30, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.