Davao City homicide case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

IMBESTIGADOR
DAVAO CITY HOMICIDE CASE
Sa pagganap nina Martin Escudero at AJ Muhlach
December 11, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang
Sa tabi ng ilog ng Mulig sa Toril, lungsod ng Davao, isang labing siyam na taong gulang na biktima ang walang awang pinagsasaksak at hinampas ng bato sa ulo hanggang sa mamatay. Sinubukan pang itago ang katawan niya sa gilid ng ilog.
Samantala, sa kalapit na barangay Dumoy, tatlong araw nang pinaghahanap ng kaniyang pamilya si Joruel Angelo Lo-ay. Hanggang makarating sa kanila ang balita na mayroong lalaking natagpuan sa tabing-ilog. Nang puntahan nila ang pinangyarihan ng krimen, nakumpirmang ito nga ang nawawalang si Joruel.
Sino ang nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay sa binatilyo? At paano niya sinapit ang malagim na katapusan?
Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Martin Escudero at AJ Muhlach sa Imbestigador ngayong December 11, 2021, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.