Cebu robbery and frustrated murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
_2022_06_11_13_42_26_0.png)
PUTOL DILA: CEBU ROBBERY AND FRUSTRADED MURDER CASE
Sa pagganap nina Bearwin Meily, Jay Arcilla at Maureen Larrazabal
June 11, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang
Sa kalagitnaan ng gabi nitong ika-labindalawa ng Abril, hinoldap ng dalawang armadong lalaki ang namamasadang taxi driver na si Andres Alfante.
Nilimas ng mga holdaper ang perang kinita ng biktima. Pero may mas malala pa palang sasapitin ang taxi driver. Sinakal siya ng isa sa mga suspek at ilang sandali pa, walang awang pinutol ang kanyang dila.
Kahit duguan, pinilit ni Andres na makapunta ng ospital. Sa tindi ng kanyang sugat, sumailalim siya sa maselang operasyon.
Mahuli kaya ang mga taong nagnakaw at pumutol sa dila ni Andres?
Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Bearwin Meily, Jay Arcilla at Maureen Larrazabal sa Imbestigador ngayong June 11, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.