ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Fake NHA agent and illegal cockpit on Imbestigador


Episode on April 12, 2008 Saturday, 9:30 p.m. Officials of the National Housing Authority were shocked when they found out that their relocation housing project for residents along the railways were being sold by some agents. Beneficiaries of the projects were disappointed upon learning that they were fooled by these agents. The NHA, which is headed by VP Noli de Castro, has joined forces with Imbestigador to end the illegal selling of the said housing units. An asset poses as a buyer and finds out who the agents are and the fake documents presented by an agent during one of their transactions. Authorities entrap the fake agent. Meanwhile, Imbestigador placed a big time illegal cockpit under surveillance for several weeks. Investigation showed that the cockpit arena has been illegally operating for two years. No business and mayor’s permit were secured by the cockpit operators. Having confirmed this information, authorities conducted a raid in the arena in the middle of a major derby. Catch these action-packed stories in the number one investigative program Imbestigador, hosted by veteran broadcaster Mike Enriquez. Other stories on Imbestigador: Conjugal Profession? A dental clinic owned by a couple in Ilocos Sur has become famous among its patients. However, some patiuents complained of the male dentist's services. When the Philippine Dental Association and Imbestigador investigated the complaint, it was discovered that the male dentist was actually a chemical engineer! Unico Hijo or Twins? After giving birth in a lying-in clinic, Jane was told that she delivered a baby boy. This confused her because her 8th month ultrasound indicated that she was carrying twins. She had no doubt about it since having twins runs in her husband's family. But the midwife who attended to her denied that she had another baby. Imbestigador helps Jane to find out the truth. Suspect at large Dennis was brutally murdered last year but no one has been brought to justice. Though a warrant of arrest has been released, the prime suspect in Dennis' death remains at large. Until Imbestigador helped in the search and the suspect was apprehended loitering and gambling in the streets. Will Dennis and his family finally see the light of justice?
May proyektong pabahay ang National Housing Authority para sa mga residente sa tabi ng riles. Pero laking gulat ng NHA na may nagbebenta na pala ng mga housing units sa kanilang relocation site. Maging ang mga residenteng dapat makinabang nito, nagulat din dahil may nag-aalok na sa kanilang ahente o sales agent at nagpapakita pa ng kumpletong dokumento para sa pabahay. Dahil dito, nagsanib puwersa ang NHA at Imbestigador para alamin at hulihin ang mga pasimuno ng iligal na bentahang ito. Isang asset ang nagpanggap na buyer ng bahay at doon nabisto ang isang ahenteng nagngangalang Maricris. Peke pala ang mga dokumentong ipinapakita niya at pawang panloloko ang kanyang ginagawa. Pero wala na siyang lusot dahil ang pinuno na mismo pinuno ng NHA na si Vice President Noli de Castro ang nagrereklamo laban sa panlilinlang na ginagawa niya. Aalamin din ng Imbestigador ang iba pang kasangkot sa kalokohang ito. Isang malaking sabungan naman ang tinutukan ng kamera ng Imbestigador. Sa loob ng dalawang taon, halos linggo-linggo ang sabong dito – bigtime ang tayaan at dagsa ang maraming mananaya. Pero nabisto ng Imbestigador na iligal pala ang bigtime na sabungan. Wala silang mayor’s at business permit mula sa munisipyo. May sigalot din pala sa titulo ng lupa na kinatitirikan ng sabungan. Tanging prangkisa at tax lamang ang kanilang binabayaran sa munisipyo pero hindi ito sapat para ituring silang ligal na establisimiyento. Kaya huwag palalampasin ang maaksiyong paglusob ng otoridad sa kalagitnaan ng bigtime derby at ang paghuli sa nagpapanggap na ahente ng NHA project. Pangungunahan ni Mike Enriquez ang patuloy na pag-aksiyon ng nangungunang Sumbungan ng Bayan, ang Imbestigador. Mga istoryang iimbestigahan: Conjugal Profession? Kilala ang isang mag-asawang dentista sa Ilocos Sur. Ang kanilang klinika, dinaragsa ng mga pasyente. Pero may mga hindi raw nasisiyahan sa dental service ng lalaking dentista. Nang makarating ang impormasyong ito sa Phil. Dental Association at Imbestigador, agad silang nag-imbestiga at nalamang chemical engineer pala si mister at hindi lisensiyadong dentista! Unico Hijo o Kambal? Labis na naguguluhan si Jane matapos niyang manganak sa isang lying-inn clinic. Ayon kasi sa ultra-sound test noong ikawalong buwan niya, kambal ang nasa sinapupunan niya. Nasa lahi nila ito dahil may kakambal din ang kanyang asawa. Pero nang manganak siya, sinabi raw ng midwife na isa lang ang iniluwal niyang sanggol. Ano nga kaya ang totoo? Pagala-galang Suspek Brutal na pinatay si Dennis noong nakaraang taon pero hanggang ngayon wala pang nananagot sa kanyang pagkamatay. Ang pangunahing suspek sa kanyang pagkamatay, di pa nahuhuli kahit na may warrant of arrest na ito. Sa tulong ng Imbestigador, nahanap ang suspek na pagala-gala lang at pasugal-sugal sa bangketa. Umusad na kaya ang hustisyang inaasam-asam ng nangungulilang ina ni Dennis?