ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Hot live shows exposed on Imbestigador!


Episode on April 26,2008 Saturday, 9:30 p.m. To escape the summer heat, one can just go to beach resorts to cool off. Better yet, just eat ice cream or halo-halo for a cheaper alternative. But in Avenida Rizal, Manila, Imbestigador uncovers how some people prefer to turn up the heat. Happy hour happens during midday in the Avenida KTV bars and restaurants with a very hot main attraction: women dancing naked onstage! Imbestigador finds out that the bars have resorted to conducting live shows in the middle of the day to avoid being arrested. Little do they know, Imbestigador's cameras caught them in the act! Manila Mayor Alfredo Lim and Imbestigador ng Bayan Mike Enriquez team up to surprise the unwitting bar patrons. Other stories on Imbestigador: Ex-lover turned blackmailer Portia admits to committing one of the biggest mistakes in her life: having a four-year affair with another man when she was going through an unhappy time in her marriage. Portia finally ended her affair last December only to be haunted by her misdeed a few months later. She receives a letter from her ex-lover containing her lascivious photos. He demands to see her or else he will distribute copies of the incriminating photos and even send their sex video to her husband. Portia runs to Imbestigador for help to arrest her ex-lover turned blackmailer. Missing twin Jane Agpaoa was happy to learn through a prenatal ultrasound that she was carrying twins. But she got the surprise of her life when the midwife who facilitated her delivery told her she only gave birth to one baby. Jane suspects that the midwife had something to do with her missing baby. Watch how Imbestigador helps Jane to solve this mystery. Saving two brothers Brothers Hesus and Delmar Carocha are facing the odds of their young life together. Their father was imprisoned for rape while their mother married another man. Last January, 11-year old Hesus and 8-year old Delmar contracted severe skin allergies that marked the beginning of more suffering. The allergy covered every part of their bodies. However, neither their mother or stepfather sought medical treatment for the two brothers. The couple ignored the boys' suffering and seemed to be just waiting for them to die. The callous parents shouted at and cursed Hesus and Delmar often. Even neighbors who wanted to help were prevented from giving the boys food. This Saturday, Imbestigador puts an end to the young boys' suffering.
Ngayong tag-init, usong-uso ang pagpunta sa mga beach at swimming pool para magpalamig. Kung kulang naman sa budget, halo-halo o sorbetes na lang ang pangontra sa matinding mainit. Pero sa Avenida Rizal sa Maynila, mabubuko ng Imbestigador ang kakaibang pagpapa-init. Tanghaling tapat ang happy hour sa mga KTV Bar at Restaurant sa nasabing lugar. Huling-huli ng camera ng Imbestigador ang mga babaeng tila init na init – walang saplot habang nagsasayaw sa entablado! Talaga raw style ng mga bar dito na magtanghal ng malalaswang palabas habang tirik pa ang araw. Iwas huli raw kasi pag ganito. Ang hindi nila alam, hindi nakalampas sa lente ng Imbestigador ang ilegal nilang gawain. Mismong si Manila Mayor Alfredo Lim at ang Imbestigador ng Bayan na si Mike Enriquez ang susurpresa sa mga nag-iinit na parokyano. Huwag palampasin ang nakakapasong aksyon sa Imbestigador ngayong Sabado. Iba pang istoryang iimbestigahan: Blackmail kay misis Minsan nang nagkamali sa buhay si Portia: nang hindi maging masaya sa kanyang asawa, nagkaroon ito kalaguyo ng apat na taon. Noong Disyembre, nagdesisyon si Portia na tapusin na ang kanyang kasalanan. Laking gulat na lamang ni Portia noong nakaraang linggo nang makatanggap siya ng isang sulat sa iskwelahang pinagtratrabahuhan. Ang sulat ay naglalaman ng malalaswa nyang larawan na kuha ng kanyang kalaguyo. Ayon sa liham, dapat makipagkita si Portia sa kanyang kalaguyo dahil kung hindi, ipapadala raw ang kanilang sex video sa kanyang asawa at ikakalat nito ang malalaswa pa nyang litrato. Agad namang nagsumbong sa Imbestigador si Portia para mahuli ang nangba-blackmail sa kanya. Nawawalang kambal? Tuwang-tuwa si Jane Agpaoa nang malaman mula sa isang ultrasound report na kambal ang kanyang ipinagbubuntis. Pero laking gulat niya nang isa lamang ang kanyang iniluwal. Hinala ni Jane, may kinalaman ang midwife na nagpaanak sa kanya sa pagkawala ng isang kambal. Samahan si Jane at ang Imbestigador sa paghahanap ng kasagutan sa misteryo ng nawawalang sanggol. Pagsagip sa magkapatid Ang magkapatid na Hesus at Delmar Carocha, magkasamang tinitiis ang hirap ng buhay. Si Hesus ay 11-anyos at si Delmar naman ay 8 taon pa lamang. Nakakulong ang kanilang ama dahil sa kasong rape habang ang kanilang ina naman ay may ibang asawa. Noong Enero, nagkaroon ng galis aso ang dalawa, ito na ang simula ng kanilang paghihirap. Mabilis na kumalat ang galis sa kanilang mga katawan: sa singit, ulo, kamay at mga paa. Tadtad ang buong katawan nila ng galis ngunit nakakapagtaka na, sa kanilang kalagayan, di sila inaalagaan ng kanilang ina o ng kanilang amain. Tila hinihintay na lang ng mga ito na mamatay ang dalawang kawawang bata. Parehong walang trabaho ang ina at amain ng dalawa. Ang sumbong ng mga kapitbahay, pinagbabawalan daw sila ng amain na bigyan ng pagkain ang mga bata. Madalas din daw na sigawan at murahin ang mga ito. Dagdag pa ng mga kapitbahay, mula daw ng magkasakit ang dalawa di man lang magawa ng ina na dalhin ito sa isang libreng klinika. Kasama ang Imbestigador, tutuldukan na ang pang-aaping ito sa mga bata.