ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kawalan ng Trabaho


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES November 10, 2011   Matapos ang mahabang panahon ng pag-aaral sa eskwela, magandang trabaho ang inaasahang makuha ng graduates.   Pero dito sa Pilipinas, hindi ito nagkakatotoo sa mahigit kalahating milyong tapos ng kolehiyo.    Sa datos ng Department of Labor and Employment o DOLE, tinatayang halos tatlong milyon ang walang trabaho sa bansa sa kasalukuyan. Samantala, mahigit pitong milyon naman ang underemployed o nangangailangan ng karagdagang kita para sumapat sa kanilang mga pangangailangan.   Taun-taon, mahigit apat na raang libong estudyante ang nagtatapos sa kolehiyo. Pero marami sa kanila nauuwi sa trabahong hindi naman akma sa kanilang pinag-aralan. Napipilitan silang pasukin ang maling propesyon para lang kumita agad. Marami ang wala nang magawa kundi ang mangibang-bansa para doon ay makipagsapalaran. Noong 2010, halos isa at kalahating milyong Pilipino ang umalis ng Pilipinas, karamihan bilang domestic helper.   Ano ang solusyon ng gobyerno sa patuloy na lumalalang problema ng unemployment? Paano ito hinaharap ng bawat Pilipino?Kilalanin natin ang ilan sa kanilang patuloy na umaasa at naghihintay.   Manood ng INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES kasama si Malou Mangahas sa darating sa Huwebes, alas otso ng gabi sa GMA News TV Channel 11.