Epekto ng paggamit ng pekeng pustiso at DIY braces, alamin!
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES: NGIPELIGRO
FEBRUARY 26, 2020
HUWEBES, 8 PM SA GMA NEWS TV

Ayon sa 2011 National Monitoring and Evaluation Dental Survey na isinagawa ng Department of Health, 7 sa 10 Pilipino ang hindi pa napakapagpapatingin sa dentista. Bukod sa takot, mahal daw kasi ang magpakonsulta rito.
Para makamura ang iba, sa mga iligal na serbisyo sila umaasa. At tila sumasabay sa modernong panahon, naglipana na rin sa internet ang nag-aalok ng mga do-it-yourself o DIY braces at pekeng pustiso!

Kung sa dentista, P15,000 hanggang P150,000 magpagawa ng orthodontics braces, sa mga online seller, P900 hanggang P3,000 lang, may libreng delivery na, may home service kabit pa!
Home service ang bentahe ng isang online seller na matagal nang tinututukan ng Philippine Dental Association o PDA. Sa pangunguna ng Muntinlupa Police, ikinasa ang isang entrapment operation. Ang umano’y kasabwat ng seller, huli sa aktong nagkakabit ng braces sa customer kahit hindi lisensyado!

Isa si Fidel sa naengganyong magpagawa ng pustiso sa hindi lesinsyadong dentista sa halagang P7,000. Makalipas ang isang buwan, nakaramdam siya ng sakit sa panga at ngala-ngala. Maaaring nahaharap ngayon si Fidel sa isang malubhang karamdaman.

Ayon sa Philippine Dental Association, delikado ang paggamit ng mga pustiso at DIY braces nang hindi dumadaan sa pagsusuri ng lisensyadong dentista.

Ano ang pwedeng maging epekto sa kalusugan ng paggamit ng DIY braces at pekeng pustiso? At ano ang pwedeng kaharapin ng mga nagbebenta at nagkakabit nito na hindi lisensyado?
Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV.