ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ako Legal Partner!
Episode on June 30, 2008 Monday night, after Saksi The Supreme Court of California approved the same sex marriage act just last month, causing thousands of gay couples throughout the state to register for their upcoming weddings. California is now the gayest state on the West Coast and only the second U.S. State to have legalized gay marriage. While other states recognize domestic partnerships, they do not grant the term "marriage" for same sex unions. 
I-Witness' Sandra Aguinaldo goes all the way to California to join Filipino gays and lesbians who will soon be enjoying the right to be called legally married. She documents the gay community in Los Angeles as they celebrate this triumph at their annual Gay Pride Parade. Here, Sandra meets Mia Adriano, a Filipina lesbian who tied the knot with her American lover last week, in a Church ceremony while wearing a traditional barong tagalong. The two had already been living together for six years. Meanwhile, in San Francisco, gay entertainer Thage Guinto is busy preparing for his upcoming wedding to fiancé and domestic partner Stephen Kramny Jr. Sandra follows Thage as he searches for a wedding cake, plans the hotel reception and prepares his Vera Wang wedding gown! In the meantime, conservative and religious groups in California are lobbying hard against gay marriages. They are trying, through a referendum this November, to put a gay marriage ban into the state constitution - which will invalidate the court's decision. Be a witness to true love, gay or otherwise, this Monday late night when 2008 New York Festivals and US International Film and Video Festival Silver Medal Awardee Sandra Aguinaldo presents "Ako Legal Partner!" on I-Witness.
Nitong lang nakaraang buwan, nagbunyi ang libu-libong bakla at lesbiyana sa California, matapos aprubahan ng kanilang Korte Suprema ang batas na pumapayag sa same sex marriage. Dahil dito, mabibigyan na ng pantay na karapatan ang mga magkarelasyong may parehong kasarian. Daan-daan ang agarang nagparehistro at nagpakasal. Kabilang sa mga grupong ito ang mga bakla at lesbiyanang Pinoy na naninirahan ngayon sa California. Lumipad si Sandra Aguinaldo sa California para kunan ang kanilang paghahanda para sa buhay may asawa. Nasaksihan niya ang espesyal na Gay Pride Parade ngayong taong ito sa Los Angeles kung saan nagdiwang ang lahat sa pagkakapasa ng same sex marriage act. Sa parada, nakilala ni Sandra si Mia Adriano, isang lesbiyanang ikinasal nitong Hunyo sa kanyang karelasyong Amerikano matapos ang anim na taon ng pagsasama. Suot ang tradisyonal na barong tagalong, ikinasal si Mia kay Kathleen McGregor sa isang okasyong kinilala ng estado pati na rin ng kanilang simbahan. Sa San Francisco naman, naghanda para sa kanilang nalalapit na kasal sina Thage Guinto at Stephen Kramny Jr. "Domestic Partnership" ang estado ng relasyon nila na rehistrado sa lokal na gobyerno ng San Francisco. Pero hindi raw ito nagbibigay ng lubusang karapatan sa kanila bilang mag-asawa kaya subsob sila sa pag-aasikaso ng kanilang pag-iisang dibdib. Pero hindi lahat ng nasa California ay natutuwa sa desisyon ng kanilang Korte Suprema. Ang mga konserbatibong grupo, lumalaban upang mapawalang bisa ang batas sa pamamagitan ng isang referendum na magaganap ngayong Nobyembre. Sundan ang buhay at laban ng mga bagong kasal na bakla at lesbiyana sa California kasama ang 2008 Silver Medal Awardee ng New York Festivals at US International Film and Video Festival na si Sandra Aguinaldo sa I-Witness ngayong Lunes ng hatinggabi pagkatapos ng Saksi.

More Videos
Most Popular