ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Puno ng kasaysayan"
Episode on October 6, 2008 Monday night after Saksi Ancient trees stand as silent witnesses to events that made a mark in our country's history. As well as to the events in our everyday personal lives. The stories of these trees are just waiting to be told. Sandra Aguinaldo lends her voice to them in her upcoming I-Witness documentary. A duhat tree in Novaliches, Quezon City served as a makeshift clinic for Katipuneros over a century ago. Beneath it, Tandang Sora tended to wounded freedom fighters. Decades passed and the tree became a meeting place for young lovers. Now, so many years later, their children and grandchildren still play underneath it. A mango tree in Project 8 once stood as witness to the Cry of Pugadlawin. Today, the tree is believed to be enchanted. Its supposed magical powers, however, have not stopped it from being attacked by termites. An acacia tree along Padre Faura in Manila was already a sturdy structure during the Spanish era. Today, its health is endangered because of the restaurant constructed too close to it. Sandra Aguinaldo learns the stories behind these ancient trees and discovers the roots of their problems, this Monday late night on GMA-7's I-Witness.
Saksi ang mga sinaunang puno sa napakaraming mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan. Tahimik din silang kabahagi ng pang-araw-araw nating buhay bilang tagpuan at palaruan. Maraming mga punong makasaysayan na naghihintay na malaman ang kanilang mga kuwento. Ito ang aalamin ni Sandra Aguinaldo sa kakaiba niyang dokumentaryo ngayong Lunes sa I-Witness. Sa ilalim ng isang puno ng duhat sa Novaliches, Quezon City ginamot ni Tandang Sora ang mga sugatang Katipunerong nakipaglaban noon sa mga Kastila. Pagkalipas ng ilang dekada ... naging tagpuan naman ito ng mga magkasintahan. At ngayon, kahit pa natutuyot ang ilan nitong mga sanga, palaruan naman ito ng kanilang mga naging anak at apo. Ang isang puno ng mangga sa Project 8, Quezon City, naging saksi sa pagpunit ng sedula ng mga Katipunero noong Cry of Pugadlawin. Paniwala ng mga madalas itong makita . may mahiwagang kapangyarihan daw ang punong ito! Pero sa harap ng sinasabing kapangyarihan, di pa rin mapigilan ang pagdami ng anay sa puno. Ang isang puno ng acacia sa Padre Faura, Manila. malago na noong panahon ng mga Kastila. Ngayon pinalilibutan ang puno ng semento dahil sa gusaling nakapaligid ditto. Ang mga ito at iba pang makasaysayang puno sa siyudad ang nilibot ni Sandra Aguinaldo para sa kanyang dokumentaryo na mapapanood ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness ng GMA-7.

Tags: iwitness
More Videos
Most Popular