ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Better half
Episode on February 16, 2009 Monday late night after Saksi There is a saying that love is more meaningful if it looks beyond oneâs physical appearance. For the month of February, Kara presents three heartwarming stories of people who found love despite their disabilities. Kara flies to the countryâs northernmost tip to follow the story of Lolo Anselmo, a polio victim, and his blind wife Lola Anastacia. When their partners died, the two decided to marry and settle in Batanes. According to Anastacia, she has been Anselmoâs âfeet" for 10 years, pushing around the cart that carries her husband. In turn, Anselmo has become Anastaciaâs eyes to the world, guiding her as they explore their newfound life together. Marites, on the other hand, is physically normal, yet she has fallen in love with Jojo, who has been inflicted with neurofibromatosis. This disease causes nerve tissues to grow tumors beneath the skin. Despite her familyâs disapproval, Marites married Jojo, and their love has produced them a 2-year old baby girl. Before falling in love with each other, Joseph and Angel were physically healthy. But within just one year of being together, Angel was inflicted with multiple sclerosis, a condition in which the immune system attacks the central nervous system, causing movement leading to paralysis. Despite her condition, Joseph continued loving Angel, and the two has been married for ten years now. Josephâs unrequited love pushed Angel to conquer her condition. She now works as a PRO for Tahanang Walang Hagdan. Witness how love truly conquers everything in âKabiyak," Kara Davidâs documentary for I-Witness this Monday midnight after the late night newscast Saksi.
Sinasabing mas malalim daw ang pag-iibigan kung hindi pisikal na anyo ang basehan. Para sa dokumentaryo ni Kara David sa buwan ng Pebrero, ilalahad niya ang tatlong kakaibang kuwento ng pag-ibig ng mga taong may kapansanan. Dinayo ni Kara ang isla ng Batanes para makilala ang may polio na si Lolo Anselmo at ang bulag na asawa nitong si Lola Anastacia. Pagkatapos mamatay ng kanilang mga asawa, nagkasundong magpakasal ang dalawa at manirahan sa Batanes. Ayon kay Anastacia, sampung taon na siyang nagsisilbing âpaa" para kay Anselmo dahil ito ang nagtutulak ng sinasakyan nitong kariton habang si Anselmo naman daw ang âmata" para sa bulag niyang misis. Iba naman ang kuwento ni Marites at Jojo. Walang kapansanan si Marites pero umibig siya sa isang may neurofibromatosis, isang sakit kung saan tinutubuan ng maliliit na bukol ang buong katawan. Si Marites ang naging katuparan sa matagal nang pangarap ni Jojo na magkapamilya. Tutol man ang pamilya, ipinaglaban ng dalawa ang pag-ibig, at nagbunga pa ito ng 2-taong gulang na anak. Nang unang magkahulugan ng damdamin, walang kapansanan ang magkasintahang Angel at Joseph. Pero sa loob lang ng isang taon, nagkasakit si Angel ng multiple sclerosis, isang karamdaman nakakaapekto sa pagkilos na nauuwi sa pagkaparalisa ng buong katawan. Pero hdindi ito naging hadlang para kay Joseph para iuwi ang 5 taon niyang relasyon kay Angel sa kasalan. Sampung taon na ang nakalilipas at mag-asawa pa rin ang dalawa. Dahil sa suportang ginagawa ng asawa at sa pagpupursige ni Angel na bumuti ang kalagayan, nakapagtratrabaho ito ngayon bilang Public Relations Officer sa Tahanang Walang Hagdan. Tatlong kuwento ng pag-ibig na pupukaw sa inyong puso ang mapapanood sa "Kabiyak," dokumentaryo ni Kara David ngayong Lunes sa I-Witness, pagkatapos ng Saksi.

Tags: iwitness
More Videos
Most Popular