ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Inasal: Blackened dreams'


Episode on April 20, 2009 Monday late night after Saksi Benjie and Roxanne are practically living like orphans. Their father died when they were still young while their mother, who works in the city as a housemaid, rarely visits them. The two kids take care of their four younger siblings but to do this, Benjie and Roxanne have to leave them on their own for almost a week to work. Their only source of income in their village: charcoal. Award-winning journalist Kara David treks the mountains of Sipalay in Negros Occidental to document the lives of these young charcoal makers. There, she discovers that hundreds of trees are being cut, buried and burned to produce charcoal. The collected charcoals are then sold to “Inasal" restaurants in Bacolod City. Kara joins the kids as they search for wood to burn, eat, sleep and live like nomads in the mountain for one whole week. Despite being indebted to the land owner, these children still choose to bear their miserable lives to pay for the carabaos that bring down their sacks of charcoal to the village. But in the midst of their dismal situation, the kids still hope to finish their schooling. Every time they go down from the mountains, teacher Myra Palasuelo is there waiting for them, eager to teach the kids in their once-a-week study session. Join Kara David as she visits the world of the Sipalay charcoal makers in her documentary “Inasal:Blackened Dreams" on I-Witness, airing this Monday midnight over GMA-7.
Ulilang lubos na kung maituturing ang magkapatid na sina Benjie at Roxanne. Namatayan ng tatay at minsan lang kung uwian ng nanay na nagtratrabaho bilang isang kasambahay. Ang tangi nilang solusyon para buhayin ang apat nilang magkakapatid: pag-uuling. Umaakyat sila sa bundok at doon naninirahan ng halos isang linggo para mangolekta ng kahoy. Ang mga naipong uling, ibinebenta sa mga kainan ng inasal sa Bacolod. Aakyatin ni Kara David ang kabundukan ng Sipalay sa Negros Occidental para samahan ang mga batang mag-uuling. Sa itaas ng bundok, madidiskubre niyang daan-daang puno ang pinuputol para ibaon sa lupa at sinusunog. Habang hindi pa sapat ang dami ng uling, naghahanap sila ng mga suso sa puno at mga ligaw na halaman para makain. Sinamahan ni Kara ang mga mag-uuling sa kanilang pagtulog sa gabi para malaman ang buhay na pinagdaraanan ng mga batang ito. Ilang taon na ring nakatali sa pangungutang at pagbabayad ng utang ang mga bata. Kalbaryo man daw ang mamuhay ng ganitong paraan, kailangan nila itong tiisin dahil sa kanilang kalagayan. Bukod pa rito, kailangan din nilang bayaran ang may-ari ng bundok at ang may-ari ng kalabaw na nagbaba ng mga sako ng uling. Pero kahit ganito ang kanilang sitwasyon, umaasa pa rin ang mga bata na makakapagtapos sila ng pag-aaral. Sa pagbaba ng mga sako ng uling, may naghihintay sa kanilang guro na isang beses lang kada linggo kung makapagturo sa kanila. Nilulubos daw kasi ang pagkakataong ito na nasa ibaba ang mga bata at umaasa silang makakaalis sa ganitong buhay ang mga bata. Samahan ang award-winning journalist na si Kara David sa kanyang pagdalaw sa mundo ng mga mag-uuling ng Sipalay sa dokumentaryong “Bahid ng Uling" ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness.
Tags: iwitness