ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ginto a la Pobre
Episode on July 6, 2009 Monday late night after Saksi Everyday, the miners of Aroroy, Masbate endure up to 48 hours of non-stop work just to find the one treasure that will keep their families alive⦠gold. They go through endless stretches of caves and hammer continuously on huge boulders to recover gold nuggets buried inside the rocks. From the mining sites, these nuggets are immediately processed and then sent to refineries and jewelers where theyâre transformed into expensive and beautiful jewelries. This arduous yet lucrative cycle of gold production is what sustains the lives of the residents of Aroroy, Masbate for so many years. At the young age of 13, Henry has already joined his father and older brother in looking for the prized element. With their combined income, they are able to feed the rest of their family. Meanwhile, 20-year old Jerryâs main concern is to look after his loved ones through mining. But his dream of lifting his parents out of poverty was suddenly cut short when he was heavily injured last year while planting explosives at the mine. Award-winning journalist Sandra Aguinaldo follows the gold trail and documents the lives of the people who depend on this precious metal in the documentary âPoor Manâs Gold," airing on I-Witness this Monday midnight after the late night newscast Saksi.
Umaabot mula walong oras hanggang dalawang araw na nagtatrabaho ang mga minero ng ginto ng Aroroy, Masbate. Tinitiis nila ang pagpasok sa masikip at mahabang hukay, pagtiktik sa matitigas na bato at pagbuhat ng mabibigat na kargamento para lang makuha ang pinakaaasam-asam nilang ginto. Pagkakuha ng ginto sa mga minahan, pinoproseso ang mga naipong bato at saka idinidiretso sa pagawaan. Ang mga butil ng ginto, hinihinang, hanggang mabuo at maging palamuti sa katawan. Tanggap ng mga mamamayan ng Aroroy ang ganitong sistema. Kung hindi raw kasi nila ito gagawin, walang ikabubuhay ang kanilang mga pamilya. Sa edad na 13, sagad na ang kayod ni Henry sa pagmimina. Ang kanyang ama at kuya, ginto rin ang hanap. Kapag pinagsama-sama raw ang lahat ng suweldo nila maghapon⦠maaari na itong pagkasyahin para ipantustos sa pangangailangan ng apat pa niyang mga kapatid. Pangangalaga rin sa pamilya ang nagtulak sa dalawampung taong gulang na si Jerry para magmina. Pero ang sipag at tatag niya, pinatumba ng aksidenta sa kuweba. Pero hindi ito naging dahilan para sa kanyang ama at kapatid para tigilan ang pagtatrabaho sa minahan. Mula minahan hanggang sa tindahan, susundan ni Sandra Aguinaldo ang gintong pinaghirapan ng mga minero. Samahan siyang kilalanin ang mga taong nagmimina ng oro at alamin ang mga na tila nakabigkis na sa makinang at mamahaling bato sa âGinto A la Pobre," ngayong Lunes sa I-Witness pagkatapos ng Saksi.

Tags: iwitness
More Videos
Most Popular