ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Life after sex video


Airing on August 10, 2009 Monday night, after Saksi Image and video hosting by TinyPic What is life after a sex video? Almost all of the latest cell phone and laptop models today boast of having built-in video cameras. With this digital advancement, anyone can now record videos anytime and anywhere. This easy access to recording gadgets has resulted to a profitable yet very taboo market -- sex videos. Now, DVDs and Mpegs of sex scandals are being sold like hotcakes in DVD stalls and cell phone shops. Recently, actress Katrina Halili made headlines after explicit videos of her having sex with Hayden Kho circulated in the internet and sent via cell phone and e-mail. The video was a big blow to her career and personal life. To help herself recover from the incident, Katrina now focuses on rebuilding her career again. Award-winning journalist Sandra Aguinaldo visits Katrina in one of her tapings and checks what life has been for her a few months after the controversial sex scandal. Sandra also meets “Emma," not her real name, who admits to having a videotaped sex with a foreigner. Emma claims she only allowed the recording because her sex partner promised her it was just for his personal collection. Around a year after, the video surfaced in the net. Emma has no choice but to endure the taunts and reproachful looks being thrown at her now. All she wants is for the video to be pulled out of circulation in the web. Join Sandra Aguinaldo as she documents how these women rebuild their lives after their sex scandals in her I-Witness documentary “Life after Sex Video," airing this Monday midnight over GMA-7.
Sa panahong karamihan ay may cell phone camera at mas abot-kaya nang mabili ang mga video recording equipment, mas dumami raw ang mga nagkakaroon ng mga sex video. Sa katunayan, kalat na kalat na nga ang mga kopya ng mga sex video sa mga tindahan ng mga DVD at maging mga cell phone dealers. Ang karaniwang biktima na nababastos sa mga naturang palabas - ang mga babaeng sangkot sa mga ito. Pagkatapos makasama sa mga dapat sana’y pribadong mga eksena, ano nga ba ang buhay na pinagdaraanan ng mga babaeng ito? Si Katrina Halili na yata ang pinakasikat na biktima ng sex videos. Siya na yata ang naging mukha ng mga biktima mula nang kumalat sa internet at nagpalipat-lipat sa mga cellphones ang kuha niyang nakikipagtalik kay Dr. Hayden Kho. Pero hindi siya nagpatalo. Ngayon, tuloy ang pakikipaglaban ni Katrina sa korte. Ibinabaling na lang din niya sa pagtatrabaho ang kalbaryong dinaranas niya ngayon. Si “Emma," ‘di niya tunay na pangalan, minsang nakipagtalik sa isang foreigner, pero matapos lang ang halos isang taon, kumalat ang kanilang sex video sa internet. Kataku-takot na pangungutya ang hinarap ni “Emma" mula nang lumabas ang sex video, kaya ginagawa niya lahat ngayon para maipatanggal ang video sa sirkulasyon. Ano nga ba ang pumapasok sa isip ng mga lalaking gumagawa nito? Ayon kay “Charlie" na aminadong nambibiktima at gumagawa ng sex video, nilalasing muna nila ang babae bago nila kunan ng video habang nakikipagtalik. Ngayong Lunes, susundan ni Sandra Aguinaldo ang istorya ng mga babaeng minsa’y naging biktima at ngayon ay bumabangon para maibalik ang kanilang dating buhay. Panoorin ang I-Witness, pagkatapos ng Saksi sa GMA.