ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
“Yanig" ("Tremor") a Documentary by Jay Taruc
Episode on June 14, 2010 Monday after Saksi! âYanig" ("Tremor") Documentary by Jay Taruc After the devastation caused by major earthquakes in Haiti, Chile and Indonesia , some experts believe that another country should brace itself for a magnitude 7 earthquake â the Philippines. In an article published in one of the leading local newspapers, Phivolcs and the National Institute of Geological Sciences (NIGS) stressed that as far as our countryâs geological history is concerned, the recorded interval of major earthquakes happens every 200 to 400 years. And if historical trends are to be upheld, the Philippines is ripe for a big one. After the 1990 earthquake which devastated most of the Northern part of our country, cracks on the streets have begun to appear in various areas that cover the fault line. Both government and non-government organizations started to study these cracks. Jay Taruc and his I-Witness team, together with members of NIGS, visit areas where cracks have begun to appear on concrete pavements and on the walls of houses. Guided with a satellite map and a fault line indicator, the group traced these cracks. True enough, the cracks were discovered to be directly above the fault line indicated on the satellite map. Prominent structures and public places are also built on top of the fault. Studies show that everyday the cracks get bigger and longer. And this a major cause of concern to those studying the fault line. Recommendations have been submitted to the government in order for the Philippines to be disaster-ready. But will we be prepared if and when disaster strikes? Jay Taruc uncovers the truth behind predictions of the next big quake. I-Witnessâ âYanig" airs this Monday, June 14 after Saksi.
Matapos ang malalakas na lindol sa Haiti, Chile at Indonesia , may mga nagsasabing ang Pilipinas na raw ang susunod na yayanigin ng isang malakas na lindol. Isang artikulo sa diyaryo mula sa isang geologist ang lumabas nito lamang Enero. Isang magnitude 7 earthquake umano ang nakaamba sa bansa. Maging ang isang international news channel, ibinalita ang tungkol sa pag-aaral na ito, na siya namang kumalat sa ilang social networking site. Ayon sa Phivolcs at sa National Institute of Geological Sciences (NIGS), base sa nakatalang record, may pagitan na 200 hanggang 400 taon ang mga nagaganap na pag-atake ng malalakas na lindol sa ating bansa. At ngayong 2010, posible na raw maganap ang kinatatakutan. Kasama ang mga miyembro ng NIGS, babaybayin ni Jay Taruc at ng kanyang I-Witness team ang mga lugar kung saan malala na umano ang mga pagbitak sa lupa at bahay. Nakatayo raw kasi ang ilang kabahayan at istruktura sa ibabaw mismo ng fault line. Gamit ang satellite map na may indicator kung saan nakalinya ang mga fault, binaybay ng grupo ang mga bitak sa kalye na tumatagos naman sa mga bahay. Ang mga may-ari, nagtitiis na lamang kahit pa nakakatakot nang tumira sa isang bahay na maaari nang gumuho. Kung ipagbibili raw kasi nila ang bahay, walang mangangahas bumili nito gayung bitak-bitak na ang ilang bahagi. Dahil lumalaki at nagsasanga na ang fault line, nababahala na ang mga eksperto sa maaaring maging epekto ng isang malakas na lindol. Sa ngayon, pinag-aaralan ng mga eksperto kung ano ang mga aktibong fault na kinatatayuan ng mga istruktura. Nagpasa rin sila ng mga rekomendasyon sa gobyerno ukol sa mga nararapat gawin para maging âdisaster-ready" ang Pilipinas. Ngunit handa nga ba tayo sakaling magkatotoo ang mga prediksyon? Samahan si Jay Taruc na alamin ang katotohanan sa likod ng sinasabing susunod na malakas na lindol sa Pilipinas. Mapapanood ang âYanig" sa I-Witness ngayong Lunes ika-14 ng Hunyo pagkatapos ng Saksi.

More Videos
Most Popular