ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
“Pasan-Pasan" (Documentary by Sandra Aguinaldo)
Episode on July 5, 2010 Monday after Saksi! âPasan-Pasan" Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo Pablito is 18 years old. Yet he cannot walk, eat, or bathe alone. His bones are brittle; too brittle in fact, that one wrong move would cause them to break. Heâs had fractures all over his body. But whatever pain his broken bones may bring is soothed by the loyalty of his number one champion â his brother Jason. Everyday, Jason lifts Pablito on his back to take him to a school for persons with disabilities. Pablito may have brittle bones, but with Jasonâs dedication, he has a strong chance at a decent future. Jason says he has never thought of Pablito as a burden. He will carry him day after day, towards a better life. Pablito and Jason are only some of the characters in this moving documentary about commitment and no-surrender. Witness how families carry each other through the good and the bad, in a story that will change the way people define the word âburden." Sandra Aguinaldoâs I-Witness documentary airs this Monday, July 5, after Saksi.
Hindi na bago ang mga kuwento ng paghihirap ng mga taong may kapansanan. Maraming pang araw-araw na gawain ang tila kalbaryo para sa kanila. Tulad na lang ni Pablito, sa edad na 18 years old ay nakasalalay sa kanyang kuya Jason para mabuhay. Marupok kasi ang kanyang mga buto kayaât di siya makakilos ng mag-isa. Ang kapatid ang tumatayong mga kamay at paa niya. Sinisikap ng nakatatandang kapatid na bigyan ng pagkakataon si Pablito kaya naman sa kabila ng kaniyang kondisyon, nagaaral pa rin siya sa isang eskuwelahan para sa mga may kapansanan. Araw-araw, magkasamang pumapasok ang mag-kuyaâtinatiyaga ang mga hirap para makamit ang edukasyong kadalasaây mailap sa mga taong may kapansanan. Pasan-pasan man ni Jason ang kapatid, sa pananaw niya, hindi pa rin pabigat si Pablito. Sa eskuwelahan kung saan pumapasok si Pablito, marami pang ibang batang espesyal katulad niya. Lahat sila, sabay-sabay na hinaharap ang mga hamon ng buhay habang naghahabol ng kanilang mga pangarap. Sa maliit na lugar na ito, patuloy na nabubuhay ang pag-asa. Ang tunog ng kanilang mga halakhak, nagdudulot ng inspirasyon di lang sa kapwa may kapansanan kundi sa kahit sinong makaririnig nito. Ngayong Lunes sa I-Witness, balik-eskuwela si Sandra Aguinaldo para alamin ang mga kuwento ng kabayanihan ng mga taong iginagapang ang paglalakbay sa buhay, at ang dedikasyon ng kanilang mga kamag-anak upang pasanin sila tungo sa kaginhawaan.

More Videos
Most Popular