ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"SMOKIDS" (Documentary by Jay Taruc)


Episode on July 12, 2010 Monday after Saksi! Despite warnings, smoking has become a common affair – in homes, schools, offices, coffee shops and practically all public corners. But the more alarming fact, according to DOH, is that their recent survey showed that even young children are already forming the habit. This Monday, Jay Taruc documents the youngest smoker he can find to see how real and gripping the statistics are. In Tondo, Manila , Jay finds that kids as young as 7 on average, already smoke. Best friends Tom and Jerry, both 9, share a passion for playing, scavenging garbage in exchange for money, and smoking cheap cigarettes. For five years now, their young lungs have been bombarded with smoke and chemicals. They say smoking eases their hunger, and makes them feel they belong in a community of adults and kids who do the same thing. One may think that kids as young as 7 and 9 years are smoking too early. But in Novaliches, Jay Taruc finds a 2 year old boy beginning to pick up cigarette butts, one at a time, and putting them in his mouth. His neighbors seem to find it cute and some elders even teach him how to do it “right". And although he hasn’t yet mastered the art of lighting and puffing a stick, the fact that a child enjoys putting a cigarette in his mouth is enough cause for concern, according to experts. DOH has been planning a visual warning campaign for months. Health officials want to place gruesome pictures of rotting mouths and lungs on cigarette packs to warn users of health risks. Tobacco companies are opposing this move. But with smokers getting younger and younger, time may be running out to debate on the issue. Watch another eye-opening documentary by Jay Taruc this Monday on I-Witness, airing after Saksi!
Kaliwa’t-kanan, saan ka man tumingin, pangkaraniwan na ang makakita ng mga naninigarilyo. At ayon sa huling survey ng Department of Health, maski mga bata ay nalululong na sa bisyong ito, isang bisyong nakamamatay. Ngayong Lunes sa dokumentaryo ni Jay Taruc, hahanapin niya ang pinakabatang smoker na makakasalamuha. Totoo kayang mga musmos at paslit na ang humihithit at naaadik sa yosi ngayon? Sa Tondo, Maynila, maraming mga kalye ang tambayan ng mga kabataan. Dito nakatira ang magkaibigang sina Tom at Jerry, parehong siyam na taong gulang. Tuwing hapon, nasa kalye lang sila para maglaro. At kapag may makakalkal na basura, anuman ang maiipon ay ibinebenta sa junk shop. Kung malaki-laki ang kita, ibinibigay nila ito sa kanilang magulang. At anumang maitatabi, nakalaan na sa yosi. Limang taon nang nagsusunog ng baga ang magkaibigan. Ang pangunahin nilang dahilan kung sa paninigarilyo – pantawid-gutom at impluwensya ng barkada. Habang papatagal nang papatagal ang pagdokumento ni Jay Taruc, pabata rin nang pabata ang mga smoker na kaniyang nakikita. Mula sa magkaibigang siyam na taong gulang, hanggang sa mga paslit na pitong taon pa lamang. Ngunit mayroon pa palang mas titindi sa mga naunang kabataan. Sa murang edad na dalawa, nasasanay na sa usok at nicotine ang batang si Jepjep. Halos lahat kasi ng tao sa kanilang lugar, ganito ang bisyo, maging ang sariling ama. Kaya’t kapag naglalaro sa labas, imbis na kendi ang kainin, upos ng sigarilyo ang nakaipit sa kaniyang bibig. Sa patuloy na pagmamasid ni Jay Taruc, matutuklasan niyang kahit batang musmos, puwedeng puwedeng makabili ng yosi sa mga tindahan. Kaya’t ang DOH, nangangampanya upang maglagay ng visual warning sa mga pakete ng yosi – mga nakatatakot na litrato ng nakukuhang sakit mula sa paninigarilyo. Ngunit tinututulan ito ng malalaking tobacco companies. Ngayong Lunes, magulat at mamulat sa isa na namang documentaryo ni Jay Taruc sa I-Witness pagkatapos ng Saksi.