ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Gold" (Documentary by Kara David)


Episode on January 3, 2011 Monday after Saksi! Sixty years after the Japanese Occupation, rumors of gold left hidden in the Philippines still live. In Cagayan Valley , one of the last strongholds of the Japanese during the war, there is a city of tunnels – an intricate network of underground passages that were built by locals in search of hidden treasures. Kara David meets Tatang Ago, 82 years old, a living witness who claims he carried highly valuable and secret packages for the Japanese before the war ended. He recalls being instructed never to look at the contents of the mysterious packages which he believed were tucked away in their town. Together with Tatang Ago’s son “Ben", Kara David begins her own search for hidden gold and discovers an old balete tree that hides a tunnel underneath. They discover chambers inside the tunnel, and markings believed to have been left by the Japanese. Tatang Ago and his son are convinced that the treasure is within their reach, but will they finally find it? Find out this Monday on I-Witness, airing after Saksi!
Makalipas ang mahigit animnapung taon, hindi pa rin namamatay ang kuwento na may limpak limpak na gintong ibinaon ang mga sundalong Hapon sa Pilipinas. Ito ang paniniwala ng mga treasure hunter na patuloy na naghahanap at naghuhukay ng ginto. Ang ilan sa kanila, milyong piso at buhay na ang itinaya para sa sinasabing tagong yaman. Sa Cagayan Valley, isa sa mga naging huling himpilan ng mga Hapon noong panahon ng giyera, nakilala ni Kara David si Tatang Ago, 82 years old. Naaalala raw niya na may binuhat siyang dalawang kahon ng napakabigat na bagay para sa mga sundalong Hapon. Pinagbawalan raw silang alamin ang laman ng kanilang binubuhat at binantaang papatayin kung sila’y sisilip sa laman ng mga kahon. Pagkatapos ng digmaan, kumalat ang balita na may gintong nakabaon sa kanilang bayan. Kutob tuloy ni Tatang Ago – baka ginto na nga ang kaniyang binuhat. Kaya naman naengganyo ang kaniyang anak na si "Ben", isang magsasaka, na maghukay ng mga tunnel para maghanap ng ginto. Sa paghahanap ng ginto kasama si "Ben", natuklasan ni Kara David ang isang matandang balete na may tunnel sa ilalim. Iba’t ibang lagusan rin ang kakabit ng mga tunnel. Sigurado sina “Ben" at Tatang Ago na abot-kamay na ang yaman. May ginto nga kaya silang mahahanap? Hanapin ang yaman na nakatago sa kailaliman ng lupa ngayong Lunes sa I-Witness.