ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Bahay Pag-ibig", dokumentaryo ni Jay Taruc


BAHAY PAG-IBIG Dokumentaryo ni  Jay Taruc May 14, 2012 What will you do if the people you lived with for more than a decade and considered as family decided to give you away?   For Lola Guada, 67, a household help, she has never expected that this will happen to her, she thought that she would be with them till her dying days. She has served her employer and her family for ten years.   Her destination is Bahay Pag-ibig in San Fernando, Pampanga. This retirement house is being operated by the Archdiocese of Pampanga. They cater to the abandoned and unwanted elderlies. Presently, sixty old people are being taken cared of by volunteers, caregivers, and a few staff.   This Mother's Day, Lola Guada will face a new chapter in her life in a different environment. As much as it pains her to accept her fate, she has to move on. ---   Ano ang iyong gagawin kung ang mga taong kasama mo nang mahigit isang dekada at itinuring mong pamilya ay nagdesisyong ipamigay ka?   Hindi inakala ni 67 na taong gulang na si Lola Guada, isang kasambahay, na mangyayari ito sa kanya.  Ang akala niya kasi ay makakapiling niya hanggang sa huling sandali ang naging amo niya ng isang dekada.   Napunta si Lola Guada sa Bahay Pag-ibig sa San Fernando, Pampanga.  Ang retirement home na ito ay pinapalakad ng Archdiocese of Pampanga.  Kinukupkop nito ang mga inabandonang mga matatanda o kaya yung hindi na kayang buhayin pa ng kanilang  pamilya. Nasa sisenta ang bilang ng mga nasa Bahay Pag-ibig at inaalagaan sila ng volunteers, caregivers at mangilan-ngilang staff.   Sa darating na Mother's Day, haharapin ni Lola Aguada ang  panibagong yugto ng kanyang buhay sa bagong lugar.  Masakit mang tanggapin ito, wala siyang magagawa kundi ipagpatuloy ang bago niyang buhay.