ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Tubbataha: Binhi ng Karagatan', dokumentaryo ni Kara David
TUBBATAHA: BINHI NG KARAGATAN Dokumentaryo ni Kara David I-Witness, May 28, 2012 Dati ang mundo ay punong-puno ng likas na yaman. Sagana sa yamang lupa gayundin sa yamang dagat. Pero sa paglaon ng panahon ang mga biyayang ito unti-unting nawala at ang iba'y nasira. Ilan na lang sa mga lugar dito sa mundo ang sinasabing hitik pa sa likas na yaman, kaunti na lang ang tinuturing na paraiso. At isa na rito ang Tubbataha Reef. Ang Tubbataha Reef ay tahanan ng mahigit 300 uri ng isda. Natatangi ito sa buong mundo dahil hindi lahat ng lugar sa karagatan maari pang tirhan ng ganito karaming lamang dagat. At kung ito'y masisira hindi natin alam kung ilang henerasyon pa ang makikinabang sa natitirang mga binhi ng karagatan. Samahan si Kara David sa isang bihirang pagsulyap sa isang magandang kaharian at palaruan ng mga iba't ibang lamang dagat. Ang lugar kung saan maaari kang makipaglaro sa libo-libong mga isda, makipagkarera kasama ang mga pagi at lumangoy kasama ang mga pawikan. Alamin ang buhay ng volunteers at marine rangers na nakikipagpatintero at nagbabantay sa mga illegal na mangingisda at poachers. Tuklasin ang yaman ng ating karagatan at kung bakit kailangan natin itong pangalagaan. "Tubbataha: Binhi ng Karagatan", nitong Lunes sa I-Witness pagkatapos ng Saksi.
---
There are few places in this world that we consider a paradise. And the Tubbataha Reef in Palawan is one of them. Often dubbed as a Mecca of Philippine diving, the reef is a home to more than 600 species of fish and 360 species of corals. It produces 200 tons of seafood per square kilometer and the seeding and growth area of fish stocks. Without this paradise, fish would not have the chance to grow and repopulate in other areas. Join Kara David in a rare glimpse of this vast playground for sea creatures, where one can play with schools of fish, swim alongside manta rays and marine turtles. Get to know the lives of the volunteers and marine rangers who guard the area for illegal fishermen and poachers. Catch this Monday's I-Witness, "Tubbataha: Binhi ng Karagatan", after Saksi. More Videos
Most Popular