ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Laki sa Lawa', dokumentaryo ni Howie Severino


 "LAKI SA LAWA" Dokumentaryo ni Howie Severino I-Witness, June 4, 2012   Si Mang Cesar Landicho ay isang masipag na tinderong naglalako ng tinapay, sigarilyo, at inumin.  Sa dami ng kaniyang binibenta, may isang produkto raw siyang hinding hindi nilalako: ang alak.  Ayaw niya kasing malasing at mahulog nalang sa tubig ang kaniyang mga customer.   Lahat kasi ng suki ni Mang Cesar ay mga residente na nakatira sa ibabaw ng Taal Lake.  Gamit ang kaniyang maliit na bangka, araw-araw niyang nililibot ang kanilang mga kubo sa ibabaw ng tubig para maglako, kahit na may panganib ng malalakas na alon.   Isasama niya si Howie Severino sa isang mundo sa ibabaw ng tubig kung saan maraming pamilya ang madalang nang nakakatapak sa lupa.  Ang ilang pamilyang naninirahan dito, dumayo pa galing Mindanao, naghahanap buhay katabi ang isa sa pinaka-aktibong bulkan sa bansa.   Namumuhay sila sa pag-aalaga ng mga libo-libong fish cage na pangunahing supply ng tilapia at bangus sa Metro Manila.  Ngunit ang mga fish cage na ito ang siya ring nakakasira sa lawa at nagdulot ng isa sa pinakamalaking fish kill noong nakaraang taon.   Sa lawa, meron nang mundong natatangi sa ibang komunidad na nasa lupa.  Bagamat sa pusod ng lawa sila nakatira, marami ang hindi marunong lumangoy.   Samahan si Howie Severino kilalanin ang mga taong "Laki sa Lawa," ngayong Lunes sa I-Witness.     
 ----
  Mang Cesar Landicho is a jolly vendor who visits homes to sell bread, cigarettes, and drinks, but not beer. He doesn't want his customers to get drunk, fall in the water and drown.   All his customers live on the water of Taal Lake, and he visits their floating huts daily in his trusty banca, even when strong waves threaten to tip it over.   Landicho introduces Howie Severino and his documentary team to a water world where many families rarely set foot on land. They've come from as far as Mindanao to make this their home, in the shadow of one of the world's deadliest volcanoes.   They make a living from taking care of thousands of floating fish cages that supply much of Metro Manila's tilapia.  But they also add to the pollution that caused the disastrous fish kill in the lake one year ago.   On the lake they've developed their own way of life distinct from the nearby communities on land, and cope with the constant danger of drowning. Many residents of this water world... do not know how to swim.   This Monday, join Howie Severino as he journeys to the heart of Taal Lake to meet the people who have made a living on top of water.  "Laki sa Lawa" airs this Monday on I-Witness.