ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Lapu Lapu', dokumentaryo ni Jay Taruc sa I-Witness
"LAPU LAPU" Dokumentaryo ni Jay Taruc June 11 , 2012 Isa siya sa mga di matunog na ngalan ng kabayanihan. Ngunit para sa mga Bisaya, ang lalaking ito ang kanilang kampeon dahil siya ay kinikilala bilang kauna-unahang bayaning Pilipino na naitalang nagwagi kontra sa mga dayuhan. Ang ngalan niya: Lapu Lapu. Maging ang buhay man o kanyang kamatayan, limitado ang impormasyon na nalalaman natin tungkol sa kanya. Kakaunti lamang ang pahinang nakalaan sa mga aklat na tumatalakay sa kanya. Tila ba ang lalaking ito ay nagkamit ng mumunti lamang na espasyo sa ating kasaysayan. Sino nga ba ang totoong Lapu Lapu? Nabuhay nga ba siya? O produkto lamang siya ng isang inspiradong imahinasyon upang lumikha ng alamat? Para sa kauna-unahang pagkakataon sa Philippine television, hahanapin ng I-Witness ang kanyang pinagmulan. Ang dokumentaristang si Jay Taruc ay naglakbay magmula Kamaynilaan hanggang sa Cebu upang hanapin ang pagkatao, kultura at mga naiwan ni Lapu Lapu na makakapaglagay sa kanya sa kanyang dapat paglagyan sa kasaysayan ng Pilipinas.
---
He is one of our lesser-known heroes. But for the Visayan people, this man is their champion because he is considered as the first recorded Filipino to resist foreign domination. His name is Lapu Lapu. Little do we know about him, his life and even his death. Only a few pages are dedicated to him in our academic books. It seems that this man has earned only a little space in our history. Who is the real Lapu Lapu? Did he exist? Or was he a product of an inspired mentality to create a legend? For the first time in Philippine television, I-Witness will trace his roots. Documentarist Jay Taruc travels from Manila to Cebu in search of Lapu Lapu's identity, his culture, and his legacy that will put him in his rightful place in the annals of our Philippine history. More Videos
Most Popular