ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Tupok', dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
"TUPOK" Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo I-Witness, June 18, 2012 Dalawang araw bago sumapit ang Mother's Day, tinupok ng apoy ang Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila. Isa ang inang si Corazon Madrigal sa nagkumahog na isalba ang kanyang mga anak pati na ang kanilang tahanan. Ang sunog na tumagal ng dalawang oras ay tumupok sa tahanan ng mahigit isang libong pamilya. Ang labing-anim na taon na si Jayson Dagcuta, huling taon niya na sa high school. Nang mangyari ang sunog, ilang linggo na lang ay pasukan na. Tulad ni Corazon pati ng ilang residente sa lugar, nawalan din siya ng tirahan. Hindi lang mga bahay ang natupok ng sunog ng araw na iyon. Kasama kasi sa mga naabo ay ang pangarap ng ilang residente ng Isla Puting Bato. Paano kaya sila magsisimulang muli? Sa mga komunidad tulad ng Isla Puting Bato, ang maliit na apoy ay maaaring magdulot ng sakuna. Ngunit dito mo rin makikita na buhay na buhay ang ilang kahanga-hangang katangian ng mga tao --- katapangan, malasakit sa kapwa at katatagan ng loob. Ngayong Lunes, samahan si Sandra Aguinaldo sa pagkilala sa mga biktima ng sunog na pilit bumabangon mula sa trahedyang dinanas nila.
---
It was two days before Mother's Day. Corazon Madrigal, one of the many mothers living in Isla Puting Bato in Tondo, Manila, scrambled to save her home and the lives of her children. The two-hour blaze razed through homes of more than a thousand families, many of them cheating death with only the clothes behind their backs. 16 year-old Jayson Dagcuta was looking forward to entering his last year in high school. Classes are due to start in a few weeks. But like Corazon, and the other residents, he suddenly found himself homeless and helpless. As they stand in confusion among the debris, they wonder if it is still possible to rebuild their lives stolen by the fire. For sure, their lives will never be the same... Their dreams going up in smoke. In slum areas like theirs, small flames can lead to great disasters but it can also bring out the greatness in people--courage, selflessness, and resilience. This Monday, join Sandra Aguinaldo as she meets the fire victims who, in the face of great uncertainty, still manage to summon the will to rise from the ashes. More Videos
Most Popular