ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Maninisid ng Pasipiko', dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
"MANINISID NG PASIPIKO" Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo August 6, 2012 Kalimitang may kuwento ang bawat pirasong isda sa ating hapag-kainan. Bagama't ang malaking porsyento ng mga isdang matatagpuan sa mga palengke ay galling sa mga naglalakihang barko, meron ding mga maliliit na mangingisda na susuungin ang kahit na anong panganib makapag-uwi lang ng huli. Sa bayan ng San Isidro sa Siargao Island, ang tradisyonal na paraan ng pangingisda pa rin ang ginagawa ng karamihan. Maliit na lambat at pana lang ang gamit nila. Ang mga mangingisda rito, natuto nang makisama sa tila walang katapusang siklo ng kahirapan. Buong tapang nilang sinusuong ang malalaking alon, nilalangoy dahil hindi sila makabili ng bangka. Ang mga maningisda tulad ni Angelito Teraytay, umaasa na lamang sa lakas ng katawan at tibay ng loob para mabuhay. Para sa kanya, ang dagat ay parehong kaibigan at kalaban. Sa loob ng tatlumpung taon, natutunan na niyang sumayaw sa saliw ng mga alon pero inaamin niya, kinatatakutan pa rin niya ito. Si Angelito kasi, saksi na nang minsang may kinitil na buhay ang dagat. Ngayong Lunes sa I-Witness, sisisid si Sandra Aguinaldo kasama ang mga mangingisdang buong tapang na lumulubog sa peligro para mai-ahon ang kanilang pamilya mula sa kahirapan.
---
There is often a story behind every piece of fish that lands on our dinner table. While big trawlers and huge fishing boats account for the majority of the fish found in markets, there are those small-scale fishermen who struggle against all odds to bring home a catch. In the town of San Isidro in Siargao Island, traditional fishing is still the norm- a small net and a spear are the only tools available. Fisherfolks here have learned to adapt to the seemingly endless cycle of poverty.braving the violent waves as they swim out to sea because owning a boat is beyond their reach. Fishermen like Angelito Teraytay, relies solely on the strength of his body and the will to survive. He dives down to 50 feet to catch fish, one at a time. For him the sea is both a friend and a foe. For the past 30 years he has learned to dance with the waves, yet he admits, he fears it still. Angelito is witness to the sea claiming the life of another fisherman. This Monday on I-Witness, Sandra Aguinaldo goes down and deep into the lives of these fishermen as they bravely go underwater so their families can stay afloat. More Videos
Most Popular