ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Habagat', dokumentaryo ni Jay Taruc


"HABAGAT " Dokumentaryo ni Jay Taruc August 13, 2012   Sino ang mag-aakala na matapos ang bagyong "Ondoy", ang nagraragasang baha na naglubog sa maraming kalsada ng National Capitol region at karatig probinya ay muling magbabalik?   Pero sa pagkakataong ito, walang bagyo kundi malalakas na ulan dala ng southwest monsoon na pinalakas pa ng bagyong "Haikui" na nasa labas ng Philipine Area of Responsibility.   Matapos ang tatlong taon, bibisitahing muli ng I-Witness ang mga nasalantang lugar partikular ang Marikina.   Ang mga residente ng Provident Villages ay bumabangon pa lamang sa trahedya na naglubog sa kanilang mga tahanan dahil sa baha.   Sumama si Jay Taruc at ang kanyang team sa rescue group sa kanilang pagpapatrolya sa village gamit ang rubber boat.  Habang papasok sa village, kapansin-pansin na lumalalim din ang tubig. May isang babae na may kargang bata ang humingi ng tulong. Nasa bubong sila ng kanilang bahay, basang-basa at nanginginig sa lamig.  Hindi raw nila maiwanan ang kanilang bahay dahil sa takot na manakawan. May apat na babae at isang aso pa ang iniligtas.   Ayon sa kanila, mas malupit pa raw ang naranasan nila ngayon kaysa Ondoy.  Tila wala raw masyadong ginagawa para magkaroon ng pagbabago. Mula nang mangyari ang pagbabaha noong 2009, tila nabubuhay na raw sila sa takot.     Pagkatapos ang tatlong taon, umaasa silang magkakaroon ng pagbagbago.    
---
  Who would ever thought that after typhoon "Ondoy," floodwaters raging through the streets of National Capital Region and nearby provinces could happen again?   But this time, there was no tropical storm, only torrential rains brought by the southwest monsoon enhanced by the typhoon "Haikui" positioned outside the Philippine Area of Responsibility.   It dumped so much rainwater that the streets literally choked.   After three years, I-Witness revisits the devastated areas particularly in Marikina.   Residents of Provident Villages were still recovering from the tragedy that submerged their houses underwater when another flood hit them.   Jay Taruc and his team went with a rescue team to patrol the whole village in a rubber boat. As they go along further into the village, the water goes deeper.  A woman, carrying a toddler, shouts for help. They are on top of the roof, drenched and shivering. It turned out they cannot leave the house for fear of someone breaking-in. Four more women and a dog emerge, waiting to be saved.   According to them, this is worse than Ondoy. It seems that little is being done to effect change.  Ever since the flood of 2009, the constant fear is eating them.     For three years, they are still hoping for change.