ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Libre ang MangaRAP', dokumentaryo ni Howie Severino


"Libre ang MangaRAP" Dokumentaryo ni Howie Severino August 27, 2012 Pamilyar ang pangalang Gloc-9 sa libo-libo niyang mga tagahangang sumusubaybay sa kaniyang pag-angat, mula sa eksena ng underground hip-hop tungo sa mataas na entablado ng mainstream.  Pero sa bayan ng Binangonan, Rizal kung saan siya lumaki, siya pa rin si Aristotle o Aris, na dati'y umaakyat lang sa puno ng duhat bitbit ang kaniyang Songhits magazine para kumanta.   Samahan si Howie Severino kilalanin si Gloc mula sa kaniyang mga gig hanggang sa pag-uwi niya sa Binangonan para bisitahin ang isang bahagi ng kaniyang buhay na hindi karaniwang nakikita.  Isang bahaging tila humubog sa rap artist para mamulat at sumulat ng mga kanta tungkol sa mga underdog at sakit ng lipunan. Ibabahagi rin ni Gloc ang malaking papel na ginampanan ni Francis Magalona sa pagiging inspirasyong bakas sa kanyang bawat kanta.   Makikila rin sa dokyu ang isa sa mga disipulo ni Gloc-9, si Righteous One, isang rapper na may kakaibang klase ng cerebral palsy. Kahit naka-wheelchair, tinatiyaga niya ang pamamasada para lang maka-record ng sariling kanta, umaasang mabibigyan din siya ng "big break." Para kay Righteous at sa marami pang tulad niyang nangangarap makamit ang tagumpay, ang rap ang nagbibigay kahulugan sa kaniyang buhay.   Samahan si Howie Severino ngayong Lunes, sa I-Witness, 11:45 pm pagkatapos ng Saksi.  
---
  Gloc-9 is a familiar name to legions of followers who have tracked the rap star's journey from the hip-hop underground to the mainstream stage of television variety shows. But in his hometown of Binangonan, Rizal, he is still plain old Aris, the kid who used to climb a duhat tree with a Songhits magazine and hone his voice.   Howie Severino and his documentary team follow Gloc-9 from his gigs to his family hearth to paint a portrait of the rap star his fans do not see. They learn about the hardships he lived and witnessed that inspired his rap songs about underdogs and social injustice. Gloc-9 shares his gratitude to Francis M, his mentor whose influence is felt in Gloc-9's every performance.   Through Gloc-9, the docu team also get to know one of his disciples, The Righteous One, a wheelchair-bound rapper who is living the life of the struggling artist, recording demo CD's and hanging with home boys, while hoping for a break. For him and many others, the success of Gloc-9 may be out of reach, but rap gives meaning to a life on the margins.   Join Howie Severino as he discovers stories of simple dreams and triumphs in "Libre ang MangaRAP," this Monday 11:45 pm on I-Witness.