ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

This Monday on 'I-Witness': Education and sacrifice in Tawi-Tawi


“TAWID ESKWELA”
Dokumentaryo ni Jay Taruc
(Replay) August 5, 2013
 
Tawi-Tawi, the southernmost part of the country, has been in the news lately because of the ongoing conflict in Sabah.

But unbeknownst to many, there are equally imperative matters to be addressed in the province. One is education.
 
The students from the remote island of Sitio Siculan have to travel for almost an hour by sea just to reach the mainland of Sibutu. The elementary school is situated there.

And to aggravate the situation, the kids have to stay for 5 days in the barangay hall because travelling to and fro is very pricey for the families to handle.
 
Jibal, a 12 year old Tausug, acts as both father and mother to his younger siblings during school days. Because of extreme poverty, he only serves them rice porridge with salt, for breakfast, lunch , and dinner. His father harvests “agar-agar,” a kind of seaweed that surrounds the whole Siculan Island. If fortunate, they can buy noodles or sardines. The family has no choice but to sacrifice in the name of education. The children are driven by their passion to finish school.
 
Catch “TAWID ESKWELA” this Monday on I-Witness, after Saksi.

--

Filipino version

 
Matatagpuan ang Tawi-Tawi sa pinaka Timog na bahagi ng Pilipinas.  Ang lugar na ito ay laman ng balita dahil sa kasalukuyang gulo sa Sabah.  Pero hindi lang ito ang problema ng probinsya.  Isa rito ay ang edukasyon. 
 
Ang mga estudyante ng malayong isla ng Sitio Siculan ay kailangan pang bumiyahe ng halos isang oras sa dagat para lang marating ang Sibutu kung saan naroon ang paaralan para sa elementarya.  Kailangan manatili ng mga bata ng limang araw sa barangay hall dahil hindi kaya ng mga pamilya na tustusan ang gastos ng madalas na pagbiyahe.
 
Si Jibal, labindalawang taong gulang na Tausog ang tumatayong tatay at nanay sa maliliit na kapatid tuwing pasukan.  Dahil sa kahirapan, ang tanging pinapakain niya sa mga kapatid ay lugaw na may asin para sa agahan, tanghalian, pati na hapunan.  Ang kanyang ama ay umaani ng “agaragar”, isang klase ng seaweed na pumapalibot sa buong isla ng Siculan.  Pag sinuwerte, makakabili sila ng noodles o kaya sardinas. Walang ibang magawa ang pamilya kundi ang magsakripisyo sa ngalan ng edukasyon.  Ang kagustuhang makatapos ang nagtutulak sa mga bata para magtiis sa kanilang kalgayan.
 
Panoorin ang “TAWID ESKWELA” ngayong Lunes sa I-Witness, pagkatapos ng Saksi.
Tags: plug