ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'I-Witness' enters Bonifacio Global City's hidden military tunnels

I-Witness
“Sikreto sa ilalim ng Siyudad”
Host: Sandra Aguinaldo
Airing Date: August 12, 2013
Bonifacio Global City is a bustling megacity at the heart of Metro Manila. It is a fast-developing commercial and residential hub, with skyscrapers sprouting everywhere. But amidst the modern developments lie a secret rich in history. Deep beneath the concrete roads is an underground labyrinth of tunnels…remnants of the city’s military past, when it was called Fort McKinley.
In 1941 General Douglas McArthur ordered the construction of an underground aerial bombing-free Air Warning Service of the Army Air Force. But two months after its construction, the Japanese bombed Fort McKinley and the headquarters above the tunnel was obliterated. In 1942, the Japanese entered Manila.

They captured Fort McKinley and renamed it Sakura Heiei. Japanese commander Gen. Tomoyuki Yamashita set up his headquarters in Sakura Heiei in 1944 and the tunnel beneath it served as shelter for high military officials, including Yamashita.
After the war, the fort was later renamed Fort Andres Bonifacio and became the Philippine Army Headquarters. In 1994, the fort was privatized to become another Central Business District and by 1995, the war tunnel was officially closed to the public.
Very few remember the existence of the tunnel. Fewer still, remember the role it played in history. And so the old, dark, dank tunnel and its chambers lay still, 30 meters below the bustling city above it, quietly guarding its secrets.

This Monday on I-Witness, Sandra Aguinaldo traces the path walked on by World War 2 American and Japanese soldiers. In a rare opportunity, she will navigate the unexplored areas of the tunnel to find out what secrets it can reveal about our past and its possible role in our future. “Sikreto sa Ilalim ng Siyudad” airs on GMA-7 after Saksi.
Filipino Version:
Ang Bonifacio Global City ay isang modernong siyudad sa gitna ng Metro Manila. Mabilis ang pag-usbong ng siyudad na ito. Ang mga nagtataasang gusali, parang mga kabuteng nagsusulputan. Pero sa kabila ng makabagong anyo ng siyudad, mayroon itong sikretong itinatago. Isang sikretong malalim ang ugnayan sa kasaysayan ng bansa. Sa ilalim ng mga konkretong kalsada ay isang mahabang lagusan na nagsisilbing alaala ng nakaraan ng siyudad nang ito ay tinatawag na Fort McKinley.

Noong 1941, ipinagawa ni General Douglas McArthur ang isang mahabang lagusan na magsisilbing pangunahing babala sa banta ng pagbobomba ng mga eroplanong Hapon. Pero dalawang buwan lang matapos ang lagusan, binomba ng mga Hapon ang Fort McKinley. Nasira ang punong himpilan sa ibabaw ng lagusan. Noong 1942, pinasok na ng mga Hapon ang Maynila. Ang Fort McKinley ay naging Sakura Heiei noong 1944 at ang lagusan ay nagsilbing taguan ng mga matataas na opsiyal, kasama rito si General Tomoyuki Yamashita.
Nang matapos ang giyera, naging punong himpilan ito ng Philippine Army at pinangalanang Fort Andres Bonifacio. Ibinenta ang bahagi ng Fort Bonifacio noong 1994 para maging isang Central Business District. Taong 1995, isinara sa publiko ang lagusan.

Iilan na lang ang nakaka-alala na mayroong lagusan doon. Mas kakaunti pa ang nakakaalam sa mahalagang papel na ginampanan nito sa ating kasaysayan. Kaya naman, ang madilim at misteryosong lagusan, tila nabaon na sa limot... tatlumpung metro sa ilalim ng lupa, tahimik na nagbabantay ng kanyang mga sikreto.

Ngayong Lunes sa I-Witness, tatahakin ni Sandra Aguinaldo ang landas na dinaanan ng mga sundalong Amerikano at Hapon noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Sa isang bihirang pagkakataon, papasukin niya ang parte ng lagusang ngayon lang makikita sa telebisyon. Aalamin niya kung anu-ano ang mga sikretong ititinatago nito na magbibigay linaw sa ating nakaraan at sa maaring papel nito sa ating kinabukasan.

Abangan ang “Sikreto sa Ilalim ng Siyudad” pagkatapos ng Saksi, sa GMA-7.
More Videos
Most Popular