ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'DORM 12' dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa I-Witness


“DORM 12”
Dokumentaryo ni Kara David
September 6, 2014



In the corner of a dormitory, an old, near-blind woman lies quietly on her bunk. Faintly, she hums a song. And suddenly she is transported to her past. It has been years ago when her life seemed to end, when this little corner became her entire world. The old woman blinks. When will her son visit her?

At the other end of this dormitory, a grandmother clutches her cane dearly. Her knees are feeble, her back fragile, but nothing can stop her from praying in their chapel. At 90 years old, her plea has yet to be answered.  She is not only the oldest resident in her dormitory; she is the oldest inmate in the Correctional Institute for Women.

Kara David meets Mary Rose and Petra, infirmed and aged inmates at the maximum-security prison. This is no place for their delicate condition. But this may be their only refuge.

Watch “Dorm 12” this Saturday, September 6, on GMA7, 10:30pm after Celebrity Bluff. To chat with Kara David (@karadavid), tweet her and I-Witness (@IWitnessGMA), #IWitnessSaturdays.

Filipino version



Sa sulok ng isang dormitoryo, nakaratay ang isang babae. May kantang namumutawi sa kanyang bibig, may pangungulila sa nabubulag na mga mata. Tahimik at malayo ang kanyang iniisip. Taon na ang binilang nang maging mundo niya ang sulok na ito. Taon na mula nang huling makita ang nag-iisang anak.

Sa kabilang dako ng dormitoryo, higit pa sa ginto ang baston ng isang lola. Mahina na ang kanyang tuhod, baluktot ang kanyang likod. Ngunit hindi ito hadlang sa kanyang pagbisita sa kapilya. Nasa edad 90 na ang lola, at hanggang ngayo’y naghihintay pa rin ng sagot sa panalangin. Siya ang pinakamatanda hindi lamang sa kanilang dormitoryo. Siya ang pinakamatandang preso ng Correctional Institute for Women.

Hindi ito ang lugar para sa malubha at sa matanda. Ngunit ang kulungan ang ngayo’y tahanan nila Mary Rose at Petra. Samahan si Kara David at kilalanin ang mga preso ng “Dorm 12”.

Mapapanood ang dokumentaryo sa I-Witness ngayong Sabado, September 6, 10:30pm SA gma 7, pagkatapos ng Celebrity Bluff. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David (@karadavid) at ang I-Witness (@IWitnessGMA), IWitnessSaturdays.
Tags: plug, iwitness