ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Si Lola Petra at ang Santo Papa,' dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'

“SI LOLA PETRA AT ANG SANTO PAPA”
Dokumentaryo ni Kara David
January 31, 2015
Habag at malasakit para sa mahihirap at nangangailangan. Sa kanyang pagbisita sa Pilipinas, iyan ang panawagan si Pope Francis. Kilala siya bilang “People’s Pope”, dahil inuuna niya ang mga pinakamahina sa lipunan.
Isang bihirang pagkakataon para kay Kara David ang sundan si Pope Francis sa kanyang pagbisita sa Sri Lanka at Pilipinas. Bilang miyembro ng Vatican-Accredited Media Personnel (VAMPs), nasaksihan niya ang pinuno ng Simbahang Katolika sa pagpukaw nito sa damdamin ng mga Pilipino, sa saya man o sa nagbabadyang panahon.

Ngunit hindi lahat ng isang bilyong Katoliko sa mundo ay magkakaroon ng ganitong pagkakataon. Ang pinakamatandang preso ng Correctional Institution for Women, si Lola Petra, ay hindi maidudulog sa Santo Papa ang kanyang panalangin. Ano ang mensahe ng pagbisita ng Papa para sa mga tulad ni Lola Petra?
Mapapanood ang “Si Lola Petra at ang Santo Papa” sa I-Witness (GMA7), ngayong Sabado (January 31), 10:30pm pagkatapos ng Celebrity Bluff. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David (@karadavid) at ang I-Witness (@IWitnessGMA), #IWitness15.
More Videos
Most Popular