ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Nasaan si Maria?' dokumentaryo ni Howie G. Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“NASAAN SI MARIA?”
Dokumentaryo ni Howie Severino
March 28, 2015
Matapos ang pagkamatay ni Kristo, ano kaya ang nangyari sa kaniyang inang si Maria? Saan siya nanirahan at namatay? At sino ang nag-alaga sa kaniya?
Sinamahan ni Howie Severino at ng kaniyang documentary team ang dalawang obispo sa isang banal na paglalakbay patungong Turkey, ang Asia Minor ng sinaunang panahon, upang tuklasin ang naging tadhana ni Maria.
Sa kanilang paglalakbay, natuklasan nila ang mundo ng mga sinaunang Kristiyano, ang panahon kung kailan tinugis at pinahirapan ang mga tagasunod ni Kristo. Binisita ng mga dokumentarista ang kagila-gilalas na mga labi ng Ephesus, ang lugar kung saan napabalitang nagtago si Maria.
Ang Ephesus din ay isang glamorosang siyudad noong kapanahunan nito na mayroon pang kahanga-hangang teatro, naglalakihang mga pamilihan, at demokratikong espasyo kung saan nagbahagi ng ebanghelyo si San Pablo at naitatag siya na pinakamahusay na misyonaryo ng kaniyang panahon, at maaaring ng lahat ng panahon.
Subalit nang dahil sa radikal na mensahe ni San Pablo tungkol sa pananampalataya sa iisang Diyos, nagdulot ito ng mga bayolenteng reaksyon na nagtulak sa mga unang Kristyano na magtago at lumikha ng mga simbahan sa loob ng mga kuweba.
Namalagi nang ilang oras ang grupo ng I-Witness sa loob ng mga kuwebang ito kung saan matatagpuan hanggang sa kasalukuyan ang mga pinakaunang pinintang larawan ni Kristo sa loob ng mga kuweba na inukit sa mga bato.
Sa pagtatapos ng kanilang paglalakbay, narating ni Howie at ng kaniyang mga kasama ang isang munting bahay sa tuktok ng isang burol kung saan sinasabing nanirahan si Maria batay sa mga nasusulat sa kasaysayan. Ano ang ebidensya nito?
Alamin ang kasagutan ngayong Sabado ng gabi, 9:45 PM sa I-Witness, Ang mga Yapak ni Maria, dito lamang sa GMA-7.

English version
After Christ died, what happened to his mother, Mary? Where did she live and die? Who took care of her?
Howie Severino and his documentary team accompany two bishops on a pilgrimage all the way to Turkey, the Asia Minor of ancient lore, to find out the fate of Mary.
Along their journey, they immerse themselves in the world of early Christianity, when the first followers of Christ were hunted and persecuted. The documentarists visit the spectacular ruins of Ephesus, where Mary reportedly took refuge.
Ephesus was also the cosmopolitan center of its time, with awesome outdoor theaters, huge markets and democratic space where St. Paul preached and established himself as the greatest missionary of his time, and perhaps of all time.
But St. Paul’s radical message of monotheism, tolerance and forgiveness provoked violent reactions and forced the first Christians to hide and create splendid churches inside caves.
The I-Witness crew spends time in these caves, where some of the first paintings of Christ can still be seen and families still live amidst a breathtaking terrain of 2000-year-old homes and structures carved into the rocky slopes.
Howie and his team finally reach a small house on a hilltop where Mama Mary lived, according to some accounts. What is the evidence?
Find out this Saturday night at 9:45 pm on I-Witness in GMA 7.
More Videos
Most Popular