ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Janitor fish


Episode on July 16, 2007 Monday late night after Saksi A seemingly harmless little fish from South America has suddenly shown up in Philippine waters – and now threatens the livelihood of our local fishermen. First seen in Laguna Bay, then in the Marikina River, the janitor fish has now arrived in Agusan Marsh. Known as Asia’s largest fish sanctuary, the fishermen of Agusan Marsh recently reported a dwindling catch of tilapia, carp and catfish. Because of its penchant for cleaning up all the algae in a body of water, the janitor fish has eaten up the food meant for the marsh’s longtime residents. Its sharp teeth have also been known to destroy fishing nets. Kara David travels to the Agusan Marsh where fishermen show her how quickly the janitor fish population has grown and the damage it has done. She then visits Marikina, where the local government has found a solution to this fish problem – and finds out if this can be replicated in Agusan. This episode first aired in October 2006. Watch I-Witness this Monday late night on GMA.
Janitor fish Sa Marikina, nabalitaan natin ang biglaang pagdami ng mga janitor fish at pagpeste nito sa kanilang ilog. Naging misteryo ang pagdating ng ganitong isda sa Marikina ... na nagmula pa sa South America! Lalo pang katakataka nang mapansin na itong namiminsala sa Agusan Marsh sa Mindanao nito lang Hunyo. Pupuntahan ni Kara David ng I-Witness ang Agusan Marsh, na kilala sa buong Asya bilang “largest fish sanctuary". Napapansin kasi ng mga mangingisda na kumokonti na ang kanilang mga huling tilapia, carp at hito. Inagawan na ng janitor fish ang mga isdang ito ng pagkain! Ililibot ng mga mangingisda si Kara at ipakikita ang kalagayan na ng ilog. Susubukan din nilang humuli ng mga janitor fish para ipakita kung ano ba ang hitsura nitong matakaw na isda, na isa palang uri ng catfish. Babalikan din ni Kara ang Marikina para ipakita ang solusyon ng lunsod sa problemang ito – at kung kaya itong tularan sa ibang lugar. Unang ipinalabas ang ulat na ito noong Oktubre 2006. Samahan ang I-Witness sa pagdokumento ng "Janitor Fish," sa ika-16 ng Hulyo, Lunes ng hatinggabi sa GMA-7.