ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Snake massage' na patok sa Cebu, tampok ngayong Sabado sa 'I-Witness'

“HIMAS AHAS”
Dokumentaryo ni Jay Taruc
September 5, 2015
Itinuturing ng karamihan ang ahas bilang pinakadelikado at nakatatakot na hayop sa balat ng lupa. Ngunit ang mga hayop na ito ay sadya ring isa sa mga hindi lubos na nauunawaan.
Sa halos sampung taon niya bilang zookeeper sa Cebu City Zoo, ipinagmamalaki ni Giovanni Romarate ang apat na alagang python na sina Cathy, Barako, Walter at Michelle. Tinatrato niya ang ang mga ito bilang sariling anak dahil hatchlings pa lamang ang mga python ay nasa pangangalaga na niya sila. Kaya naman sanay nang makihalubilo at makakita ng mga tao ang mga ahas.
Ngayon, sila na ang pangunahing atraksyon sa zoo. Sa halagang beinte hanggang beinte-singko pesos, maaari nang makaranas ng snake massage. Para kay Giovanni, ang snake massage ay isang paraan para malabanan ang matinding takot sa ahas.
Panoorin ang I-Witness ngayong Sabado sa GMA7, pagkatapos ng Celebrity Bluff.

English version:
Snakes are considered by many as one of the most dangerous and scariest animals ever to live on earth. But these reptiles are also one of the most misunderstood.
A zoo in Cebu City has been showcasing snakes, particularly pythons, for almost a decade now. Mr. Giovani Romarate, the zookeeper, is very proud of his four pythons ---- Kathy, Wilbert, Barok and Michelle. He treats them like his own children because he has been taking care of them since they were hatchlings. These four reptiles are accustomed to being in the company of humans.
Now they are the main attraction in the zoo. For a fee of 20 to 25 pesos, one can avail of a free massage from these pythons. According to Giovani, this massage is one sure way of overcoming one’s fear of snakes.
Witness a different kind of slithering experience in I-Witness this Saturday, after Celebrity Bluff.
More Videos
Most Popular