ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

‘Chiswisang backlush’ (Gay talk)


Episode on August 6, 2007 Monday late night after Saksi Carmi Martin, Manilyn Reynes, Jolina Magdangal…Who would think that the names of these actresses would bear a totally different meaning for members of the gay community? Among them, Carmi stands for karma, Manilyn for being lustful or “malibog" and Jolina for someone circumcised or “tuli na". In this Monday’s I-Witness episode, Sandra Aguinaldo shows how “swardspeak" or gay lingo has entered the day-to-day conversations of Filipinos. Even those who are not gay commonly use gay terms and phases. Sandra brings together groups of gay beauticians and stand-up comedians to demonstrate how gays create their own language. According to the two groups, “swardspeak" is one way they express their freedom and fight discrimination in society. The gay words “chika" and “tsugi" tied for 3rd prize in the 2004 Sawikaan Word of the Year competition, sponsored by the University of the Philippines College of Arts and Letters. Several originally gay words are also about to be included in the 2nd edition of the University of the Philippines’ Dictionary! Find out which words made the cut in “Chiswisang Baklush (Gay Talk!)," a fascinating and funny documentary on the evolution of language. Written and hosted by award-winning documentarist Sandra Aguinaldo, it airs Monday late night over GMA-7’s I-Witness.
‘Chiswisang backlush’ (Usapang bakla) Carmi Martin, Manilyn Reynes, Jolina Magdangal…Mga sikat na artista? Hindi lang! Dahil si Carmi, Manilyn at Jolina, ay naging bahagi na ng usaping bakla! Mapa-telebisyon o karaniwang usapan, tila patok na patok ngayon ang “swardspeak" o salitang bakla sa mga ordinaryong Pilipino. Ngayong Lunes, “chochorvahin" (pakikinggan) ni Sandra Aguinaldo ang mga usapan ng mga bading para “learningin" (alamin) kung bakit lumalaki ang impluwensya ng mga salitang bakla sa ating wika. Isang grupo ng mga parlorista sa Caloocan at mga stand-up comedians sa Quezon City ang pagsasamahin ng I-Witness para tignan kung paano binubuo ng mga bakla ang kanilang salita. Para sa kanila, ang “swardspeak" ay paraan ng mga bading upang maipahayag ang kanilang kalayaan mula sa diskriminasyon ng lipunan Patunay raw sa pagiging “in" ng wikang bading ang pagkakapanalo ng Ikatlong Gantimpala ng mga salitang “chika" at “tsugi" bilang “Word of the Year" sa 2004 Sawikaan ng UP College of Arts and Letters. At akalain niyo bang may mga salitang bading na isasali na sa ikalawang edisyon ng UP Dictionary? “Learningin ang lenguang dingerszie" (Pag-aralan ang swardspeak) kasama si Sandra Aguinaldo sa nakaaaliw na dokumentaryong “Chiswisang Baklush (Usapang Bakala!)" sa I-Witness sa ika-6 ng Agosto, Lunes ng hatinggabi, sa GMA.