ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Kyoto, Salamin ng Kahapon,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo sa 'I-Witness'


 


“KYOTO, SALAMIN NG KAHAPON”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
December 12, 2015

Kyoto.

Ang dating kapitolyo ng Japan ay isang lumang lungsod na patuloy na namamayagpag sa gitna ng moderno at mabilis na pag-unlad ng bansang ito. Dito, ang mga bantayog at templo na mahigit isang libong taon na ang tanda, ay nananatiling nakatayo sa tabi ng mga bagong gusali. Dito sa Kyoto, ang luma at moderno ay magkahalo. Ang nakaraan at ang kasalukuyan ay sabay mong mararanasan.

Sa Kyoto rin minsang namuhay ang mga samurai at mga ninja. Kung alam mo kung saan ka titingin, makakakita ka pa ng mga bakas nila. Sa makasaysayang Sanjo Bridge, makikita pa ang marka na tama ng isang espada ng samurai na nagmula sa isang labanan, daang taon na ang nakalilipas. 

Pagkagat ng dilim, isang nakakaaliw na pagtatagpo sa isang ninja ang nag-aabang sa mga bisita sa isang restaurant. Pero bago mo marating ito, isang pasikut-sikot na daan muna ang kailangan mong tahakin.

Hindi rin mabilang ang dami ng mga samu’t -saring templo at bantayog na maaari mong puntahan. Nagdarasal man para sa isang magandang kapalaran o naghahangad na makipaghiwalay sa kasintahan, tiyak meron kang mapupuntahan. Ito ang mga lugar na nagsisilbing bintana upang mas maunawaan ang kulturang Hapon.

Mula sa pinakamagandang tanawin hanggang sa mga lugar na bihirang dalawin, dadalhin ka ni Sandra Aguinaldo sa isang hindi malilimutang paglalakbay ngayong Sabado sa I-Witness.

 


English version

Kyoto.

An old city and Japan’s former capital sits comfortably in its place despite the country’s fast-paced and modern development. Here, shrines and temples more than a thousand years old stand preserved beside new buildings. The perfect balance of the old and the new is what makes Kyoto such an enigmatic place.

Kyoto is also the land of the samurai and the ninjas. If you know where to look, you will still see traces of them throughout the city. In the historic Sanjo Bridge for example, a finial bears the mark of a samurai katana or sword during one of the many battles that happened there hundreds of years ago.

As night falls, a less scary ninja encounter awaits tourists at a ninja restaurant in the middle of the city. A ninja will guide guests through a maze to enter a ninja-themed restaurant.

There are also countless shrines and temples to visit, whether you are praying for good luck or wishing to break up a romantic relationship. They say these unique places and practices are preserved to serve as a window into the Japanese culture.

From the best viewing spot to the less beaten path, Sandra Aguinaldo takes you on a memorable journey, this Saturday on I-Witness.

Tags: prstory, kyoto