"Mula sa Kusina Hanggang Langit," dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“MULA KUSINA HANGGANG LANGIT”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
January 23, 2016

Sa loob ng Ninoy Aquino International Airport, sa isang dalawang ektaryang lupain matatagpuan ang isa sa pinakamalaking kusina sa buong bansa. Ang 6,500 metro kuwadradong kusina ay nakagagawa ng labindalawang libong plato ng pagkain sa isang araw para sa labingapat na international airlines. Pero di tulad ng ibang kusina kung saan ang pagkain ay niluluto at inihahain agad, ang airline meals ay metikulosong inihahanda para masigurong ligtas ang pagkain.
Ang mga rekado ay niluluto sa partikular na temperatura pagkatapos ay daraan sa blast chiller kung saan mabilis na pinalalamig ito. Habang inihahanda ang pagkain sa iba’t-ibang bahagi ng kusina, maingat na binabantayan at pinapanatili ang tamang temperatura ng pagkain at ng kuwarto. Meron din silang laboratoryo kung saan sinusuri ang mga pagkain at pinag aaralan ang kanilang mga proseso para mapnatiling ligtas ang mga pagkain nila. Ito ang siyensya ng airline catering.
Ang tila komplikadong produksyon ay dapat ding maisagawa sa striktong oras. Ang mga eroplano kasi ay sandali lamang lumalapag at dapat ay mai-deliver agad ang pagkain ng mga pasahero. Hindi maaaring maantala ang pag alis ng eroplano.
Sa likod ng lahat ng ito, ay isang grupo ng mga dedikadong chef, kusinero, tagahiwa, laboratory technicians at iba’t iba pang ordinaryong manggagawa na nagpapatunay na kayang kaya ng mga Pilipinong makipagsabayan sa mga dayuhan sa mundo ng airline catering.
Sa unang pagkakataon sa telebisyon, papasukin ni Sandra Aguinaldo ang mainit, malamig at nakakaaliw na kusina ng pinakamalaking airline caterer sa bansa. Abangan ang “MULA KUSINA HANGGANG LANGIT” sa I-Witness ngayong Sabado, pagkatapos ng Celebrity Bluff.
English version:
Situated inside a two-hectare property inside the Ninoy Aquino International Airport is one of the country’s biggest kitchens. This 6,500 square meter kitchen churns out 12,000 meals a day for 14 international airlines. And unlike any other kitchen where meals are cooked and served right away, airline meals require a meticulous process to maintain the highest standard in food safety.
Raw ingredients are subjected to a particular heat temperature during cooking. Then blast chilled for quick cooling. As the meals are prepared in other sections, temperatures are strictly maintained. There is also an in-house laboratory that is constantly testing the safety of the meals and the kitchen’s processes. Such is the science of airline meal preparation.
The seemingly complicated production is under time pressure as turnaround time of airplanes is very quick. Delays from airline caterers are unacceptable. Behind all these is a group of dedicated chefs, cooks, laboratory technicians and general workers who have shown that Filipinos can successfully run a world-class airline catering service.
For the first time on Philippine television, Sandra Aguinaldo enters the hot, the cold and the fascinating kitchen of the country’s premier airline catering company. “MULA KUSINA HANGGANG LANGIT” airs this Saturday, on I-Witness.