'Katas ng Lapas,' dokumentaryo ni Jay Taruc ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“KATAS NG LAPAS”
Dokumentaryo ni Jay Taruc
March 12, 2015


Kilala ang Sorsogon dahil sa mga naglalakihang Butanding na makikita sa Donsol. Dito rin madalas na tumatama ang malalakas na bagyo kaya naman katulad ng mga natutumbang puno, tila mabagal ang pag-usad ng buong lalawigan.
Taliwas sa nakagisnan nating imahe ng Sorsogon, may tinatago palang likas na yaman ang probinsya.
Ang karagatan at mga isla sa Matnog ay marami palang maipagmamalaking kayamanan.
Sa Sitio Juag, isang marine sanctuary ang isa sa mga atraksyon na pinupuntahan ng mga lokal na residente ng Matnog. Dito makakakita ng ang mga isdang mameng, lapu-palu, snapper.
Sa kabila ng biyaya ng kalikasan, marami sa mga residente ng Matnog ay nananatiling lugmok sa kahiprapan.
Para sa dose anyos na si Adolfo, ang pagkuha ng abalone o lapas ay malaking tulong para sa kanyang pamilya. Tumutulong siya sa ama upang mapakain ang dalawang nakababatang kapatid. Dalawang buwan pa lang ang nakalilipas nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak.
Samahan si jay Taruc sa pagtuklas sa dalawang mukha ng Matnog sa “KATAS NG LAPAS” ngayong Sabado sa I-Witness, pagkatapos ng Magpakailanman.
English version:
The famous whale sharks of Donsol helped put Sorsogon on the map. Tourists flock to the area to swim among these gigantic but majestic creatures of the ocean.
Unknown to many, Sorsogon boasts of scenic landscapes and abundant natural resources.
For Alex, his collection of different species of fish nestled in this part of Sition Juag in Matnog adds to the attraction of the area. Aside from the beautiful beaches, this marine sanctuary is haven to sea-loving tourists and local residents.
Despite the opulence of the marine life and natural resources, however, Matnog residents are still considered poor.
For 12 year old Adolfo, harvesting abalone is one way of feeding his family. His mother died of childbirth 2 months ago. Leaving him and his 2 younger siblings to face life without a mother’s care. His father has no permanent job and relies only on part time work in copra farm.
Join Jay Taruc as he discovers the two faces of Matnog in “KATAS NG LAPAS” this Saturday on I-Witness, after Magpakailanman.