'Saranghamnida,' dokumentaryo ni Kara David ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“SARANGHAMNIDA” (I Love You)
Dokumentaryo ni Kara David
June 11, 2016
_2016_06_09_14_23_04.png)
Saranghamnida. I love you.
In a community outside Seoul, South Korea, people greet each other not with a simple “hello” but with “I love you”. It does not matter if you’re a stranger or if you’re a person with disability or if you have something or nothing to give. Here, some 6000 homeless and abandoned South Koreans have found home. They may have no money, property or family, but here, everyone is given love and care. Here, everyone is your family.
I-Witness documentarist Kara David visits Kkottongnae in Chungbuk Province, South Korea. For decades now, through the country’s economic rise and fall, this congregation of Catholic priests, nuns, brothers and sisters cares for the poor, sick and neglected members of society. Kara David joins them in a home for the elderly, helps in the daily chores and discovers everybody's spirit of giving. Watch “Saranghamnida” this Saturday (June 11, 2016) on GMA 7, after Magpakailanman.
Filipino version
Saranghamnida. Mahal kita.
Sa isang komunidad sa South Korea, ang araw-araw na pagbati ay hindi simpleng “Kumusta?” Kakilala man o hindi, may kapansanan o wala, ang lahat ay binabati ng “Mahal kita”. Dito, anim na libong Koreano na mahirap at inabandona ang nakahanap ng tahanan. Wala silang pera, ari-arian or pamilya. Pero dito, sila ay inaaruga. At ang lahat ay magkapamilya.
Ngayong Sabado, makikilala ni Kara David ang Kkottongnae congregation sa Chungbuk Province, South Korea. Ilang dekada na ang lumipas, sa gitna ng unos at pagbangon ng ekonomiya ng bansa, ang kanilang mga pari, madre, at alagad ng simbahang Katoliko ay patuloy na nag-aalaga sa mga maysakit at mga napabayaan ng lipunan. Sa kanyang pagtulong sa isang bahay para sa mga matatanda, masasaksihan ni Kara David ang pagbibigayang pinamamalas ng Kkottongnae para sa isa't isa. Panoorin ang ”Saranghamnida” ngayong Sabado (June 11, 2016), pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA 7.