'Balik Bitay,' dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa 'I-Witness'
Balik Bitay?
Dokumentaryo ni Howie Severino
June 25, 2016,
Pagkatapos ng Lip Sync Battle Philippines

It seems the nation, led by incoming President Rodrigo Duterte, is raging against heinous crimes. Drug suspects are being found dead in the streets. Lawmakers promise to bring back the death penalty.
Are executions the right response to criminality?

Howie Severino and his documentary team explore this question on the eve of a new government. They venture into the belly of the beast, the Bilibid prison, and talk to those who were sentenced to die before the death penalty was repealed in 2006.They learn that the Supreme Court has found that over 70 percent of death sentences in the past may have been a mistake, rooted in factual errors or a process biased against the poor.

The documentarians seek out the lawyer of Leo Echegaray, the house painter who was the first convict executed in over a decade. His conviction too could have been due to judicial error.

They also speak to victims and their loved ones who want to see killers and rapists executed, including a rape victim who chose to have her rapist's baby and raise her in a loving home.

Then Howie and his team meet the actress Cherry Pie Picache, whose mother was brutally murdered. Cherry Pie came face to face with her mother's killer and did the totally unexpected.
Tila nanggagalaiti na sa galit ang mga Pilipino laban sa mga karumal-dumal na krimen, sa pangunguna ng bagong Pangulong Rodrigo Duterte. Araw-araw, natatagpuang nang patay ang mga suspek ng iligal na droga sa mga kalye. At marami sa mambabatas, nangangakong ibabalik ang parusang kamatayan.
Bitay nga ba ang tamang sagot sa kriminalidad?
Kikilatisin ni Howie Severino at ng kanyang documentary team ang tanong na ito sa bisperas ng pag-upo ng bagong administrasyon. Pinuntahan nila ang Bilibid para kausapin ang mga nahatulan ng kamatayan bago tinanggal ang parusang ito noong 2006.
Nalaman nila na noong 2004, inamin ng Supreme Court na mahigit pitumpung porsyento nang nahatulan ng bitay sa nakaraan ay may pagkakamali at hindi raw pabor sa mga mahihirap.
Hiningi nila ang panayam ng abogado ni Leo Echegaray, ang dating pintor ng mga bahay na unang nahatulan ng bitay. Ang kanyang hatol, maaaring resulta daw ng pagkakamali sa mababang hukom.
Kinausap rin nila ang mga biktima ng karahasan at kanilang mga pamilya. Marami sa kanila gustong makitang bitayin ang mga umabuso sa kanila, kabilang na isang dalaga na nabuntis ng kanyang rapist. Ganun pa man, pinili niyang mahalin ang bata.
Para naman sa aktres na si Cherry Pie Picache na pinaslang ang ina, pinili niya harapin ang salarin. Ang kanyang ginawa pagkatapos ay isang bagay na hindi inaasahan.