ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Sa Ngalan ng Karapatan,' dokumentaryo ni Jay Taruc ngayong Sabado sa I-Witness


"SA NGALAN NG KARAPATAN"
DOKUMENTARYO NI JAY TARUC
Sept. 10, 2016

 

Sa paglobo ng bilang ng mga namamatay dahil sa kampanya kontra droga, kabi-kabila rin ang pagpuna at pagbatikos sa mga sinasabing extra judicial killings o EJK.

Kabilang sa mga nag-iimbestiga sa isyung ito ay ang Commission on Human Rights o CHR. Pero hindi lahat ay natutuwa sa gingawa ng naturang ahensya. Tila raw kasi pinagtatanggol pa ng CHR ang karapatan ng mga napatay na suspek na pusher at adik.

Ngunit ang CHR, nananatiling matatag sa pagiimplementa ng kanilang mandato---- ang pagtataguyod ng karapatang pantao laban sa pang-aabuso ng mga awtoridad o anumang ahensya ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, isa sa mga kaso ng pagpatay ang iniimbestigahan ng CHR-NCR sa isang barangay sa Quezon City. Sa kabutihang palad, may isang  nabuhay at ngayon ay magsisilbing saksi laban sa mga tauhan ng isang estasyon ng pulis.
Sa gitna ng gera kontra droga, kaninong karapatan ba ang mas mahalagang pangalagaan?

Panoorin ngayong Sabado sa I-Witness…. ?Sa Ngalan ng Karapatan.? Mapapanood ang I-Witness pagktapos ng Superstar Duets.