ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

River of life


Episode on September 3, 2007 Monday late night after Saksi It was in the Pasig River that Tatay Fred, a 63-year old boatman, first learned how to swim. Throughout his lifetime, he has witnessed how it has changed from the grand swimming pool of his youth to a filthy, almost lifeless body of water. In this Monday’s I-Witness, Sandra Aguinaldo tells the story of Tatay Fred and the many Filipinos who still dream of the Pasig River that once was. In the 1990s, the Clean and Green Foundation and the Pasig River Rehabilitation Center started the “Piso Para Sa Pasig" movement. They declared that by the year 2008, the river would be fully rehabilitated. Marine life would supposedly once again flourish, and tourists would flock to the river to marvel at its renewed grandeur. Only a few months remain for the group to accomplish this goal. Sandra cruises the 25-kilometer river and discovers the ups and downs of the rehabilitation project. The Pasig River Ferry recently reopened to the public, one sign of the river’s revival. But people who live along the riverbanks continue to throw all their garbage into it. An old wooden boat or “batel" on the Pasig, is now inhabited by urban poor families who pollute the river with their waste every single day. Sandra also makes a stop at the Lambingan Bridge, once a haven for lovers, and meets a squatter community that lives beneath it! Relive the past glory and experience the current reality of the Pasig with Sandra Aguinaldo in this I-Witness episode, airing Monday late night over GMA-7.
Ilog ng buhay Sa Ilog Pasig natutong lumangoy si Tatay Fred, isang 63-anyos na bangkero. Ana. Buong buhay niya, nakasalalay sa ilog, kaya’t matindi ang kanyang pagkabahala sa pagkamatay ng ilog ng kanyang buhay. Hindi lang si Tatay Fred ang nababahala. Maging ang mga organisasyon tulad ng Pasig River Rehabilitation Center at Clean and Green Foundation, kabado. Sa susunod na taong 2008 ang itinakdang deadline para sa muling pagkabuhay ng Ilog Pasig. Ilang buwan na lang ang natitira, pero tila wala pa ring pagbabago sa kalagayan ng ilog. Sa dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Lunes, babaybayin niya ang 25-kilometrong kahabaan ng Pasig River para siyasatin ang tunay na kalagayan ng ilog at kung ano ang nangyari sa mga rehabilitation programs para rito. Ang pagbubukas raw ng Pasig River Ferry ang isa sa mga signos na malapit nang mabuhay ang Ilog Pasig, pero sa pag-iikot ni Sandra, iba ang kanyang makikita. Kahit pa sabihing patay na ang ilog, marami pa rin ang mga taong umaasa rito. Makikilala ni Sandra ang mga pamilyang nakatira sa isang lumang batel sa Parola, Tondo, kung saan nakatayo ang parolang nagsisilbing gabay sa mga barkong dumaraong sa Maynila hanggang ngayon. Bibisitahin niya rin ang Lambingan Bridge sa Sta. Ana, na dating tagpuan ng mga magkasintahan noong panahon ng Kastila, at makikilala ang isang komunidad na nakatira sa ilalim mismo ng tulay na ito. Samahan si Sandra Aguinaldo sariwain ang nakaraan at baybayin ang kasalukuyan ng Ilog Pasig sa “Ilog ng Buhay" sa ika-3 ng Setyembre, Lunes ng hatinggabi, sa I-Witness ng GMA.