ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'PAGSILANG NG TAGAPAGLIGTAS,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Sabado sa I-Witness


“PAGSILANG NG TAGAPAGLIGTAS”

Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo

December 24, 2016

 

More than 2,000 years ago, a small, isolated village with a population of less than 200, would become the birthplace of a child that would be named the Messiah. The story of the Child Jesus starts in Nazareth, the hometown of Joseph and Mary.  It is here that angel Gabriel announced to the Virgin Mary that she will bear the Son of God. Today, inside the Basilica of the Annunciation in Nazareth, the largest Roman Catholic church in the Middle East, one will find a cave believed to be the home of Mary and true site of the annunciation.

But according to prophecy, the Child Jesus will not be born in Nazareth, but in Bethlehem, now a part of Palestine. Pilgrims from all over the world visit the Church of the Nativity, where inside you will find the manger where Jesus was born.  These holy sites are steeped heavily in tradition, with relics dating back to the first century.

 

Also in Bethlehem, lies Shepherd’s Field believed to be the site where the angels announced the birth of Jesus to the shepherds. In 1951, excavations carried out by Fr. Virgil Corbo, dated the ruins precisely to the Herodian and Roman times, and remnants of ancient oil presses found under the two monasteries built there demonstrate that the place was indeed inhabited at the time Jesus was born. 

As in many holy sites around Israel and Palestine, the fact that ancient monasteries & churches were built over the previous ones confirm that a special remembrance was tied to those sites. Graffiti of crosses dating back to the Crusades, name of Mary written on cave walls, and even precious mosaics found underneath current structures are clues of these holy sites’ significance—clues that have survived and defined the Holy Land’s 2,000 year history.

This Christmas eve, Sandra Aguinaldo ticks off the Holy Land from her bucket list as she visits the birthplace of the Child Jesus in an extraordinary episode of I-Witness. Join her for an amazing historical and spiritual journey, this Saturday after Kapuso Movie Night on GMA.

Filipino version:

 

Mahigit dalawang libong taon na ang nakalilipas, sa isang maliit na bayan na may populasyon ng di hihigit sa 200 tao, nakatakdang isilang ang isang batang ituturing na Tagapagligtas.  Ang kuwento ng Batang Hesus ay magsisimula sa Nazareth, ang bayan nina Jose at Maria. Dito, inanunsiyo ng anghel na si Gabriel kay Birheng Maria na siya ay magdadalang-tao sa Anak ng Diyos. Ngayon, sa loob ng Basilica ng Annunciation sa Nazareth, ang pinakamalaking simbahang Katoloko sa buong Middle East, matatagpuan ang pinaniniwalaang bahay ni Maria at totoong lugar kung saan naganap ang pagtatanyag.

Pero ayon sa propesiya, ang Batang Hesus ay hindi isisilang sa Nazareth kundi sa Bethlehem na ngayon ay parte na ng bansang Palestine. Ang mga peregrino mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay dumadalaw sa Church of the Nativity kung saan matatagpuan ang sabsaban kung saan isinilang si Hesus.  Itong mga banal sa lugar tulad nito ay may malalim na tradisyon, ang iba pa nga ay nag- iwan ng mga bagay na mula pa sa unang siglo.

Dito rin sa Bethlehem matatagpuan ang Shepherds’ Field na pinaniwalaang lugar kung saan inaunsiyo ng mga angel sa mga nagpapastol ang kapanganakan ni Hesus. Noong 1951, nagkaroon ng malawakang paghuhukay si Fr. Virgil Corbo sa lugar at nalamang ito ay nagmula pa noong panahon ni Herodes at ng mga Romano. May mga palatandaan din ng mga antigong makinarya sa paggawa ng langis na natagpuan sa ilalim ng mga monasteryong dating nakatayo rito. Ito ay isa sa mga patunay na may mga taong naninirahan dito noong panahon ni Hesus.

Tulad ng maraming banal na lugar sa Israel at Palestine, ang pagkakaroon ng mga simbahan at monasteryo sa mga kinatatyauan nito ay patunay na mayroong mahalagang alalaala na nakatali rito.   Mga krus mula pa sa panahon ng Crusades, pangalan ni Maria na nakasulat sa pader ng kuweba, o mga mamahaling mosaic na natagpuan sa ilalim ng mga kasalukuyang gusali ay mga palatandaan ng kahalagahan ng mga lugar na ito—mga palatandaang nanatiling buhay ng 2,000 taon.

Pupuntahan ni Sandra Aguinaldo ang isang lugar sa bucket list niya, ang Holy Land para sa isang di malilimutang Christmas episode ng I-Witness. Samahan siya sa isang spiritual at makasaysayang biyahe, ngayong Sabado, sa I-Witness, pagkatapos ng Kapuso Movie Night sa GMA.