advertisement
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

“Huling Gabi,” dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa I-Witness


“HULING GABI”
Dokumentaryo ni Howie Severino
March 25, 2017
 
 

Cristita Padual's last night began like most nights along the patchwork strip of cheap clubs on Commonwealth Avenue in QC. She hung out with friends and ate a late dinner in the open air.

Her plate was still full of rice drenched with sardine sauce when Cristita saw a man get shot in the doorway of a club. Too shocked to run, she stood in frozen horror, or at least that's one version of the moment before she too was killed by a masked assassin.

On a rare ramble with crime photographers, Howie Severino arrives at the scene shortly after Cristita's murder to find her in an unusual and mysterious death pose.

Cristita's last night was the first night of Severino's own journey into the dark world of vigilante killings and the havoc and horror they leave behind. 

He and his team record the struggles of impoverished relatives of dead victims held hostage by funeral parlors; the anemic efforts of police to hunt down the killers; and the family ordeals relieved only temporarily by burials. 

With few offers of help, and suffering the stigma of extralegal execution, exhausted families bear multiple burdens, not least of which are the burning questions about the killings. The documentarians search for the answers and open a window into the kind of society we seem to be becoming. 

(Filipino)

Ang simula ng huling gabi ni Cristita Padual ay tulad ng marami nang gabi sa hilera ng mga beer house sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.  Kasama niyang tumambay ang kaniyang mga kaibigan habang kumakain ng hapunan.

Halos hindi pa nagagalaw ang plato niya ng sardinas nang masaksihan niyang mabaril ang isang lalaki sa tapat ng katabi nilang night club.  Hindi raw siya makakibo, ayon sa isa sa mga bersyon ng kuwento, hanggang sa mabaril rin siya ng isa sa mga killer na nakamaskara.

Noong gabing iyon, kasama ni Howie Severino ang mga “night crawler” o ang mga mamamahayag at photographer na nasa night shft.  Nadatnan nila ang katawan ni Cristita na walang buhay at nakaluhod.

Ang huling gabi ni Cristita ang unang gabi naman ni Severino tungo sa masalimuot na mundo ng vigilante killings at ang takot na iniiwan nito.

Masasaksihan niya ang pakikipagsapalaran ng mga pamilyang iniwan ng biktima, at kung paano sila iniipit ng matataas na singil ng mga punerarya.  Sisiyasatin din niya ang imbestigasyon ng pulisya; at makikita ang panandaliang pag-gaan ng pasanin ng pamilya oras na mailibing ang kanilang mahal sa buhay.

Habang kakaunti lang ang nais tumulong sa mga tulad nila, pasan-pasan ng pamilya ni Cristita ang bigat ng walang habas na pagpatay sa kaniya, naiiwan silang baon sa utang at puno ng mga katanungan na tila wala pang kasagutan.  Sisikapin ni Severino hanapin ang katotohanan at masisiwalat rito ang mga mapapait na realidad sa lipunang atin ngayong ginagawalan.

LOADING CONTENT