'Escuela ng Pagbabago,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Sabado sa I-Witness
“ESCUELA NG PAGBABAGO”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
May 19, 2017

The magnificent San Agustin Church is undergoing a renovation. The almost 450 year-old choir loft’s intricate wood carvings on the chairs and the ceiling mural are being restored. This UNESCO World Heritage structure is being worked on by young artisans from Tondo and Baseco who underwent intensive training in construction work. Their focus is heritage conservation from a vocational school called Escuela Taller.
In 2009, the Spanish government sponsored the first Escuela Taller in the Philippines with the goal of providing skills for out-of-school youth and to preserve the country’s heritage structures. Today, Escuella Taller has graduated 200 young men and women who are in the forefront of conservation in the Philippines.
Paolo Nunez, 26 years old, belongs to the first batch who trained in carpentry. He recalls how joining the classes in Escuela Taller changed his life. He is now part of the conservation team working on the historical Malate Church.
Growing up very poor, Paolo and his mother picked up rotting vegetables from Divisoria to have something to eat. Soon, he met some friends who influenced him to sniff solvent and shoplift slippers from vendors. He ate whatever he picked up from other people’s trash. He slept wherever nightfall caught him. But joining Escuela Taller equipped him with skills to find a job and get him and his family out of Tondo.
Together with Paolo, Madeline Bermudo can be seen wrapped in dust at the worksite in Malate Church. Her job is to chisel huge adobe blocks into works of art. She works hard like everyone else, driven by the dream to get out of her shanty in Baseco compound. She has lived her whole life there, and before Escuela Taller, it was the only life she could see herself in.

Many of the students of the school have discovered surprising things about themselves there. Christian Patani is only 23 but has shown great promise as a carver. In fact, he is now a master carver entrusted to work on the intricate restoration of the antique choir chairs in San Agustin Church. This has given him much pride—proof that he understands his role and contribution to the site’s history.
As they toil toward restoring the old churches to its former glory…every blow to the chisel or rock is a step towards restoring their hope and dignity.
A chance to dream.
This is perhaps Escuela Taller’s greatest gift to its graduates.
Sandra Aguinaldo’s “Escuela ng Pagbabago” airs on I-Witness this Saturday, after Full House Tonight on GMA.
Filipino version
Ginagawa ngayon ang magarang San Agustin Church. Ang halos 450 daang taong pinaglulugaran ng koro ng simbahan ay ibinabalik sa dati nitong ganda. Ang mga luma at sirang ukit sa mga upuan at pati ang antigong miyural ay ibinabalik sa orihinal. Ang UNESCO World Heritage site na ito ay pinagtutulungan ng mga artesano mula Tondo at Baseco na nagsanay ng isang taon sa heritage conservation mula sa Escuela Taller.
Noong 2009, nag-sponsor ang gobyerno ng Espanya ng kauna-unahang Escuela Taller sa Pilipinas. Layunin nitong mabigyan ng kasanayan ang mga batang walang pagkakataong makapag-aral para makahanap ng trabaho, at para maprotektahan ang mga heritage structure sa bansa. Ngayon, nasa 200 na ang nakapagtapos dito at sila ang mga aktibong nag-aayos ng iba’t ibang antigong gusali sa bansa.
Si Paolo Nunez, 26 na taong gulang, ay mula sa unang batch ng nagsanay sa carpentry. Naaala pa niya kung paano binago ng pag-aaral sa Escuela Taller ang buhay niya. Lumaki sa Tondo si Paolo, nabubuhay lamang silang mag-ina sa pamumulot ng mga nabubulok na gulay sa Divisoria. Sa kanyang pagtambay, natuto siyang mag solvent at magnakaw ng tsinelas sa mga tindera doon. Kalimitang kumakalam ang tiyan, kinakain niya kung ano mang mapupulot mula sa basura ng iba. Natutulog siya kung saan man abutan ng antok. Dahil sa pag-aaral sa Escuela Taller, nagkaroon siya ng pagsasanay para makahanap ng trabaho at mai-alis ang pamilya sa Tondo. Isa siya ngayon sa mga gumagawa sa makasaysayang Malate Church.
Kasama ni Paolo si Madeline Bermudo na makikitang balot sa alikabok sa worksite sa Malate Church. Trabaho niyang mag ukit ng disenyo mula sa malalaking bato ng adobe. Subsob sa trabaho si Madeline dahil nangangarap siyang bilang araw, makakaalis din siya sa barong-barong na tinitirhan sa Baseco compound. Ito na kasi ang buhay na kinagisnan niya, at bago pumasok sa Escuela Taller, ito lang ang buhay na kaya niya pangarapin.
Marami sa mga estudyante ng Escuela Taller ay nagugulat sa mga nadidiskubre nila sa kanilang sarili. Isa na rito si Christian Patani na kahit 23 taong gulang pa lang ay master carver na na gumagawa sa makasaysayang San Agustin Church. Dahil sa angking galing, pinagkatiwalaan siyang ibalik sa dating ganda ang mga nasirang ukit sa mga upuan ng koro sa simbahan. Ipinagmamalaki niya ang trabahong ito—tanda na naiintindihan niya ang kahalagahan at kontribusyon niya sa kasaysayan ng simbahan.
Habang patuloy silang nagbabanat ng buto sa pagbabalik ng ganda ng mga lumang simbahan, bawat pukpok sa pait at sa bawat piraso ng antigong batong muling lumilitaw, naibabalik din ang kanilang pag-asa at dignidad.
Ang pagkakataong mangarap…marahil ito na ang pinakamalaking regalo ng Escuela Taller sa kanilang mga estudyante.
Abangan ang kuwento nila kasama si Sandra Aguinaldo sa “Escuela ng Pagbabago” ngayong Sabado, sa I-Witness , pagkatapos ng Full House Tonight sa GMA.