ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
EPISODE SYNOPSIS

'Mana o Gana,' dokumentaryo ni Jay Taruc ngayong Sabado sa I-Witness


MANA O GANA

dokumentaryo ni Jay Taruc

Airing date: July 8, 2017

Sa paglitaw ng mga pagkaing tinawag na “processed foods,” “ready to eat meals,” at “fast foods,” mga dalawa hanggang tatlong dekada na ang nakalilipas, naging sikat ito sa publiko lalo na sa mga nagtatrabaho at walang oras para magluto. Kaya naman naging bukang bibig ng lahat ang mga katagang “take out” at “delivery.”

Ngunit ang mga pagkaing ito ay nagtataglay rin ng mga hindi mainam na sangkap katulad ng asin, mantika at asukal. Ang mga sangkap na ito ay sobra-sobra sa sukat na nirerekomenda ng mga doctor.

Si Anna, treinta’y otso anyos, ay masasabing isa sa mga biktima ng mga pagkaing ito. Naniniwala siya na kaya siya sumasailalim sa dialysis ay dahil sa pagkahilig niya ng maaalat na pagkain. Kung kaya ng kanyang katawan, sumasama siya sa kanyang asawang si Ronnie para mangalap ng pambayad sa kanyang dialysis na isinasagawa tatlong beses isang lingo. Anim na taon na siyang laman ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Para naman sa mga “millennials,” bahagi na ng kanyang pamumuhay ang pagkain sa fastfood at processed foods katulad ng pancit canton at instant noodles. Nagtatrabaho siya sa isang television network. At dahil sa Cavite pa siya umuuwi at nagko-commute lamang papasok, kadalasan ay bumibili na lamang siya ng madaling kainin para magkalaman ang tiyan. Naisip niyang magpatingin na dahil nakararamdam na rin siya minsan ng pagkahilo. Iniisip niya na dahil ito sa kanyang kinakain.

Ngunit ayon sa mga doctor, maliit na prosyento lamang ang ating inilalagay na pagkain sa tiyan kumpara sa totoong sanhi ng sakit katulad ng diabetes, hypertension, at sakit sa bato.

Ano ang dapat sisihin? Alamin sa I-Witness ngayong Sabado.