ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Women Warriors,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Sabado sa I-Witness


“WOMEN WARRIORS”

Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo

July 15, 2017


As the war rages on in Marawi city, more women are fighting alongside the men in the battlefield. Gone are the days when women were relegated to office work or part of the support staff so more men could be sent out for combat. Although the number of men and women in the Armed Forces are still not equal, female soldiers are taking up more active roles in times of war.  Armed with a tough resolve and deadly combat skills, they take on the enemy head on and in the frontline.

Captain Jennylyn Tamacay is the alpha battery commander of 3rd Field Artillery Batallion.  She credits her training in the Philippine Military Academy for her ability to adjust to any situation in any place she gets sent out to. She sleeps inside a tent with a makeshift bed out of empty artillery boxes. Curtains delineate her bedroom and provide some privacy. But aside from this she says, she is indistinguishable from her male colleagues in the military.  Her phone rings and everybody rushes to wait for her command.  Numbers are being shouted and mathematical calculations can be heard. On her signal, they fire canons pointed at the enemy.  They hope that every shot contributes to the accomplishment of the mission.

Further across the city, nearer the enemy lines, PFC Mary Rose Ambulo is sprawled on the floor with a dirty mattress supporting her small frame. In her hand, an R4 rifle peeks out through a small hole in the wall.  The diminutive female marksman is no stranger to war. She was part of the First Infantry Brigade that fought with the New People’s Army in Quezon province of April this year. With a calm demeanour of a seasoned marksman, she fires her rifle, one shot after another, targeting the enemy stationed only 80 meters away. She says that being a soldier has always been a childhood dream. Even though she and her husband are both soldiers with a small baby left back home, she is resolved in fulfilling her duty.  She says, winning this war is also for her child’s future.

This Saturday, Sandra Aguinaldo enters the battle zone to witness the valiant “Women Warriors” of the Philippine Army in action on I-Witness, after Celebrity Bluff on GMA 7.

Filipino version:

Sa loob ng halos dalawang buwan, walang humpay ang bakbakan sa Marawi City. Sa gitna ng giyerang ito, mas marami na ang mga babaeng nakikipaglaban kasama ng mga lalaking sundalo.  Kung dati ang mga babaeng sundalo ay nasa opisina o sumusuporta lang sa mga tropang nasa labanan, ngayon mas aktibo na ang kanilang papel na ginagampanan.  Bitbit ang tapang at kasanayan sa iba’t-ibang larangan ng pakikipaglaban, makikita na ang iba sa kanila na kasama na nasa unang hanay ng bakbakan.

Si Captain Jennylyn Tamacay ay ang Alpha battery commander ng 3rd Field Artillery Battalion. Dahil sa kanyang pagsasanay sa buhay militar, naihanda raw siya nito sa kahit anong sitwasyon. Sa isang tent matatagpuan ang tinutulugan niyang kama na gawa sa mga kahon ng mga bala ng kanyon na ginagamit nila sa labanan.  May kurtinang nagbibigay ng kaunting pribadong lugar para sa kanya. Maliban dito, wala na raw makikitang bakas ng pagkakaiba niya sa mga lalaking miyembro ng tropa. Kapag tumunog ang kanyang telepono, hudyat na ito ng simula ng kanilang operasyon. Maririnig na isinisigaw ang ilang numero at ikakalkula nila ang puwesto ng kalaban. Sa utos ni CaptainTamacay, aalingawngaw ang malakas na tunog ng pagputok ng kanyon.  Umaasa silang ang bawat pagkilos ng grupo nila ay makakatulong sa pagtupad ng misyon ng AFP.

Mas malapit sa kinalalagyan ng kalaban nakapuwesto si PFC Mary Rose Ambulo. Nakadapa siya sa isang maruming kutson na sumusuporta sa maliit niyang katawan. Nakasilip sa isang maliit na butas ang kanyang R4 rifle. Sanay na siya sa mga eksenang ito. Bilang miyembro ng First Infantry Brigade, kasama siya sa nakaranas na ng labanan laban sa New People’s Army sa Quezon noong nakaraang Abril. Makikitang siyang kalmado habang pumipitik ng gatilyo para sa mga kalaban na 80 metro lang ang layo sa kanya—tanda ng isang sanay na marksman. Kuwento ni Rose, pangarap niyang maging sundalo mula pagkabata. Sundalo silang mag-asawa at may isa silang sanggol. Mahirap man ang sakripisyong iwan ang anak, desidido siyang gampanan ang kanyang tungkulin para sa bayan at sa kinabukasan ng anak.

Ngayong Sabado, papasukin ni Sandra Aguinaldo ang lugar ng labanan para makilala ang “Women Warriors” ng Philippine Army, ngayong Sabado sa I-Witness, pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA 7.