ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

‘Pamilya Moderno,’ dokumentaryo ni Jay Taruc ngayong Sabado sa I-Witness


 

 

“PAMILYA MODERNO”
Dokumentaryo ni Jay Taruc
October 14, 2017

The Filipino family, in its traditional context, is composed of a father, a mother, children, and sometimes with grandparents living under one household. Part of the ideal Filipino family is the physical completeness of all its members. However, in modern times, it is observed that this concept of the Filipino family is gradually changing due to the emergence of different forms of family. Is there really a so-called “modern Filipino family”?

Joey and Joel are both OFWs working in Dubai. Joey works as a salesman, while Joel serves as a cook in the said country. Both of them have sacrificed the completeness of their family to scrape a living. For many years of their strife in another country, what they only held in their minds is nothing but the welfare of their family.

For Jon-Jon and Rony, both gays, they do not mind what others might think about their relationship and their unique family set-up. Jon-Jon has undergone an In Vitro Fertilization process making him a father of twins, Lilith and Lucian. While Rony, his partner, stands as the stepfather of the twins.

These two families depict the reality of what family is in modern times. Do these already define the modern context of the Filipino Family?

This Saturday, join Jay Taruc as he looks into what it means to be a “family” for Filipinos.  “PAMILYA MODERNO” airs after Celebrity Bluff on GMA 7.

Filipino version:

Ang pamilyang Pilipino sa tradisyunal nitong konsepto ay binubuo ng isang ama, ina, mga anak at minsan kasama pati na ang lolo at lola sa iisang bubong. Laman din ng konseptong ito ang pagiging buo at kumpleto ng lahat ng kasapi ng pamilya. Ngunit sa paglipas ng panahon, masasabing marami na ang nagbago. Mayroon na nga bang modernong pamilyang Pilipino?

Sina Joey at Joel ay magkapatid na parehas na OFW sa Dubai. Si Joey ay isang salesman, habang si Joel naman ay isang cook sa nasabing bansa. Parehas nilang sinakripisyo ang pagiging kumpleto o buo ng kanilang pamilya para sa ika-aahon ng kanilang buhay. Sa ilang taon nilang pakikipagsapalaran sa ibang bansa, wala silang ibang inisip kundi ang ikagiginhawa ng buhay ng kanilang pamilya.
                                                                                   
Para naman kina Jon-Jon at Rony, parehas na lalaki,  hindi nila alinta na ang tingin ng ibang tao sa kanilang relasyon at uri ng kanilang pamilya. Si Jon-Jon ay piniling sumailalim sa proseso ng In Vitro Fertilization na naging daan upang siya ay maging ama ng kambal na sina Lilith at Lucian. Habang si Rony naman ay tumatayo bilang ikalawang ama ng kambal.

Ang dalawang pamilyang ito ay halimbawa ng kasalukuyang realidad ng uri ng pamilya. Ito na nga ba ang makabagong konspeto ng pamilyang Pilipino?

Samahan si Jay Taruc ngayong Sabado para tuklasin kung ano ang ibig sabihin ng pamilya para sa mga Pilipino.  Ang I-Witness ay mapapanood pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA 7.