ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
EPISODE SYNOPSIS

'X-CEPTIONAL,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Sabado sa I-Witness


“X-CEPTIONAL”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
October 28, 2017


In Laguna, a young boy named Mico Rubico, age 11 earns the moniker ”halimaw” or monster—a monster in Math, that is.  He has won more than 30 Math competitions here and abroad.  He has never lost.

In his home in Quezon City, 11 year-old Alekhine Nouri, is focused on his adult opponent’s every move. The youngest FIDE master at age 7, his adversary knows he is a force to reckon with at chess.

In Bataan, a precocious 8-year old grade three student IO Calica, skips elementary Math altogether.  He is studying college Algebra, Trigonometry and Calculus in UP Diliman.

And in Pasig, a 14-year-old piano prodigy pounds his keys to take his audience to a different time and place. Hansel Ang has been a solo concert pianist since he was 7.

These children born with extraordinary gifts have been nurtured by their seemingly untiring parents. Experts believe that being born “gifted” is not enough.  Giving up sports they enjoy, missing out on some activities with friends and parents being in constant debt are just some of the sacrifices they have to make.

Being extraordinary can’t be easy. It needs extraordinary discipline. They need extraordinary care. They have accepted their gifts but sometimes it comes with a price.

This Saturday on I-Witness, Sandra Aguinaldo takes a peek at the lives of these “X-ceptional” kids and their families, on I-Witness, after Celebrity Bluff.

Filipino:

Sa Laguna, natagpuan ang isang 11 taong gulang na bata na tinawag na “halimaw”. Si Mico Rubico, halimaw sa galing sa Math, ay nanalo na ng mahigit 30 beses sa iba’t-ibang Math competition sa Pilipinas at sa ibang bansa. Hindi pa siya natatalo.

Sa kanyang bahay sa Quezon City, si Alekhine Nouri na 11 taon pa lang ay tutok sa pagbasa sa iniisip at bawat galaw ng kanyang matandang kalaban sa chess. Alam ng kanyang kalaban, di basta-basta ang kaharap—dahil ang batang ito ang ang pinaka batang FIDE master sa buong mundo, titulong nakamit niya nung 7 taon pa lamang siya.

Sa Bataan, isang estudyante sa grade 3 ang hindi na pumapasok sa klase ng Math na pang-elementarya. Sa halip, kumukuha na si IO Calica ng college Algebra, Trigonometry at Calculus sa UP Diliman. 

At sa Pasig, ang 14 na taong gulang na bata ang tila nagdadala sa kanyang manunuod sa ibang lugar at panahon sa pamamagitan ng kanyang daliri.  Dahil sa husay ni Hansel sa pagtugtog sa piano, sa edad na 7 taon, concert pianist na siya.

Silang mga batang ipinanganak na may pambihirang talino at talento ay inaaruga ng mga tila walang kapagurang magulang. Naniniwala ang mga eksperto na hindi sapat ang pagkakaroon ng angking kagalingan. Kailangan ding mag sakrispisyo ng anak at magulang para pagyamanin ang kanilang kakayahan.

Ngayong Sabado, kikilalanin ni Sandra Aguinaldo ang mga batang “X-ceptional” at kanilang mga pamilya sa I-Witness, pagkatapos ng Celebrity Bluff.
Tags: plug