'Biyaheng Border,' dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa I-Witness
“BIYAHENG BORDER”
Dokumentaryo ni Howie Severino
December 30, 2017

Borders are more than merely lines drawn between countries that delineate languages, cultures, and a way of life. In more dire situations, crossing borders can also mean a choice between life and death.
In I-Witness’s last episode for 2017, Howie Severino delves into the meaning of borders by looking back at the unique border journeys of Sandra Aguinaldo, Jay Taruc, Kara David, and Atom Araullo.
The journey towards the significance of borders begins at the southernmost tip of the Philippines bordering Malaysia, and ventures towards five more countries: the borders of Vietnam and Cambodia, Thailand, Bangladesh, and finally, Italy.
Each journey paints a colorful picture of cultures but no matter how diverse, one message rings clear: anywhere you are in the world, there is a continuous search for a better life.
Filipino version:
Ang border ay hindi lang guhit sa gitna ng dalawang bansa. Hinihiwalay nito ang samu’t saring wika, kultura at uri ng pamumuhay. Minsan, sa mas peligrosong pagkakataon, ang border ay maaaring mangahulugan ng buhay at kamatayan.
Sa huling episode ng I-Witness para sa taong 2017, tatahakin ni Howie Severino ang daan tungo sa kahulugan at kahalagahan ng mga border. Babalikan niya ang mga natatanging paglalakbay sa iba’t ibang bansa nina Sandra Aguinaldo, Jay Taruc, Kara David at Atom Araullo.
Magsisimula ang biyahe sa dulo ng Pilipinas na napakalapit sa border ng Malaysia at tutungo palabas ng bansa papunta sa mga border ng Vietnam at Cambodia, Thailand, Bangladesh, hanggang umabot sa Italy.
Bawat paglalakbay ay isang makulay na biyahe, puno ng kuwento ng iba’t ibang kultura. Ngunit gaano man kalayo, tila iisa ang hangarin ng kanilang mga nakilala: ang mabuhay ng matiwasay at magkaroon ng magandang kinabukasan.